Paano Matutulungan ang mga Anak na Maging Mas Matatag
“Ang orihinal na kahulugan ng salitang katatagan ay may kinalaman sa kakayahan ng isang bagay na manumbalik sa hugis nito o posisyon matapos mabaluktot, mabanat, o masiksik. Ngayon karaniwan nating ginagamit ang salita para ilarawan ang ating kakayahan na buong tatag na harapin ang paghihirap. …
Kapag nagiging matatag ang mga anak, naniniwala sila na maaari nilang maimpluwensyahan at makontrol ang mga mangyayari sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsisikap, pag-iisip, kaalaman, at kasanayan. … Nagtutuon sila sa kung ano ang maaari nilang magawa at hindi sa mga bagay na hindi nila magagawa” (Lyle J. Burrup, “Pagpapalaki ng Matatatag na Anak,” Liahona, Mar. 2013, 11).
-
Palaging magbigay ng kasiya-siyang mga gantimpala sa mga kilos at ugaling gusto ninyong pagbutihin nila.
-
Purihin ang pagsisikap ng anak.
-
Sabihin sa mga anak na sila ay mahalaga dahil sila ay mga anak na lalaki at babae ng Diyos at may banal na halaga.
-
Ilarawan ang kabiguan bilang pansamantala at isang oportunidad para matuto.
-
Ilarawan ang tagumpay bilang produkto ng pagsisikap at pagsasakripisyo.
-
Talakayin ang mga patakaran at magtakda ng makatwirang kahihinatnan nito, na may kinalaman sa pag-uugali, at may pagsasaalang-alang kapwa sa magulang at anak.