2019
Tatlong Paraan upang Makasundo ang Ating Kapwa
Setyembre 2019


Mula sa Unang Panguluhan

Tatlong Paraan upang Makasundo ang Ating Kapwa

Hango mula sa “Mapapalad ang mga Mapagpayapa,” Liahona, Nob. 2002, 39–42.

Three Ways to Get Along with Others

Itinuro ni Jesus sa mga tao kung paano makakasundo ang isa’t isa.

Paraan #1: Mahalin ang mga tao.

Si Jesus ay nagbigay ng dalawang dakilang utos: una, iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo” (Mateo 22:37), at ang pangalawa ay, “iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:39).

Ang mga utos na ibigin ang Diyos at ang ating kapwa ay magkaugnay. Ang mga tao ay tunay na magkakapatid dahil ang Diyos ang tunay na Ama natin.

Paraan #2: Patawarin sila.

Itinuro ni Jesus sa atin na patawarin ang lahat ng tao, “upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo” (Marcos 11:25).

Paraan #3: Pakitunguhan sila sa paraang nais ninyong pakitunguhan kayo.

Itinuro ni Jesus ang Gintong Aral: “Lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila” (Mateo 7:12).

Madaling maunawaan kung bakit dapat nating gawin sa iba ang ibig nating gawin sa atin. Ito ay sa dahilang ang bawat isa sa mga anak na lalaki at babae ng Diyos ay mahalaga (tingnan sa Mateo 25:40).

Sundin ang Gintong Aral

Ilang barya ang mahahanap mo? Kulayan ito ng ginto o dilaw.