2020
Isang Paanyaya sa mga Artist sa Buong Daigdig
Hulyo 2020


Isang Paanyaya sa mga Artist sa Buong Daigdig

An Invitation to Artists Worldwide

Inaanyayahan kayong lumikha ng mga gawang-sining para sa darating na 12th International Art Competition, na itinataguyod ng Church History Museum sa Salt Lake City, Utah.

Lahat ng artistic media, estilo, at kultural na pamamaraan ay tatanggapin. Ang mga napiling entry ay ididispley sa Church History Museum at online.

Ang kumpetisyong ito na may maliit na lupon ng mga hurado ay tumatanggap ng mga entry mula sa mga artist sa buong daigdig para hikayatin ang mga Banal sa mga Huling Araw na lumikha ng de-kalidad na sining, para maipakita ang lawak at pagkakaiba-iba ng produksyong pangkultura ng mga Banal sa mga Huling Araw, at para palaguin ang koleksyon ng Church History Museum.

  • Tema: “Pantay-pantay ang Lahat sa Diyos,” binigyang-inspirasyon ng 2 Nephi 26:33

  • Mga petsa ng pagsusumite: Pebrero 1–Hunyo 1, 2021

  • Mga edad: Ang mga artist ay kailangang 18 taong gulang pataas

  • Mga gantimpala: Ang mga artist na lilikha ng mga gawang-sining na mapipiling i-exhibit ay sasabihan sa Oktubre 2021

  • Mga petsa ng exhibition: Marso 2022 hanggang Oktubre 2022

Bisitahin ang ChurchofJesusChrist.org/artcompetition para sa mga detalyadong patakaran, mga kinakailangan para maging kwalipikado, pagrerehistro online, at para makita ang mga nagbibigay-inspirasyong gawang-sining mula sa mga nakaraang kumpetisyon.

Pantay-Pantay ang Lahat sa Diyos

Paikot sa kanan mula sa kaliwang itaas: Si Cristo na May Koronang Tinik, ni Adam Lee Sherwood; Pagdidikit-dikit ng mga Piraso, ni Paige Crosland Anderson; Mga Buhay na Tubig, ni Rose Datoc Dall; Si Cristo na Nagpapagaling, ni Leroy Glen Transfield; Ang Plano ng Kaligtasan, ni Julie Yuen Yim