Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Ano ang Kahalagahan ng Pangalan?
Hunyo 29–Hulyo 5
Kasunod ng kanilang pagbabalik-loob, ninais ng matatapat na Lamanita na magkaroon ng bagong pangalan para maiba sila sa iba pang mga Lamanita at maging simbolo ng kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo. Tinawag nila ang kanilang mga sarili na mga Anti-Nephi-Lehi (tingnan sa Alma 23:16–17). Naipapakita natin ang ating kaibhan ngayon sa pamamagitan ng pagtataglay ng pangalan ni Jesucristo sa ating mga sarili.
Isang Simbolo ng Ating Pagbabalik-loob
Sa binyag, nakikipagtipan tayong taglayin sa ating mga sarili ang pangalan ni Cristo. Tuwing tumatanggap tayo ng sakramento, pinaninibago natin ang tipang iyon. Ano ang ipinapangako nating alalahanin at sundin kapag tinataglay natin sa ating mga sarili ang Kanyang pangalan? (Tingnan sa Mosias 18:8–9; Doktrina at mga Tipan 20:77.)
Isang Saksi ni Cristo
Ang mga Apostol ay “mga natatanging saksi ng pangalan ni Cristo sa buong daigdig” (Doktrina at mga Tipan 107:23). Maaari rin tayong maging mga saksi ni Cristo. Paano ka makikiisa sa propeta at mga apostol at magiging saksi ng pangalan ni Jesucristo sa mga tao sa paligid mo?
Isang Mapagkukunan ng Kapangyarihan
Kamakailan, nagsumamo sa atin si Pangulong Russell M. Nelson na tawagin ang Simbahan sa tamang pangalan nito: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nangako siya na bubuhos ang kapangyarihan sa mga Banal kapag ginawa natin ito (tingnan sa “Ang Tamang Pangalan ng Simbahan,” Liahona, Nob. 2018, 89). Ano ang ilang bagay na magagawa mo upang mas magamit ang tamang pangalan ng Simbahan at tulungan ang iba na gawin din iyon?