Mula sa Unang Panguluhan
Pagsunod sa mga Pioneer
Hango mula sa “Following the Pioneers,” Ensign, Nob. 1997, 72–74.
Minsa’y nilakad ko ang ilang daan na nilakaran ng mga naunang pioneer ng Simbahan patungo sa Lambak ng Salt Lake. Nakadama ako ng pagpapakumbaba na malakaran ang nilakaran ng mga pioneer. Ngunit ang paglakad kung saan sila naglakad ay hindi kasinghalaga ng pamumuhay kung paano sila namuhay.
Sumulong ang mga pioneer nang may pananampalataya sa isang bagong relihiyon, isang bagong lupain, at isang bagong paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Nagtiwala sila sa Diyos. Kailangan din nating manampalataya.
Sinunod nila kung ano ang sinabi ng kanilang mga pinuno na gawin nila. Kailangan din nating maging masunurin.
Ginamit nila ang kanilang mga talento at nagtulungan sila para maitatag ang Sion. Kailangan din nating magkaisa.
Hindi nila iniwan ang sinuman. Tiniyak nilang kasama ang mga taong nagkakaproblema sa daan. Kailangan din nating isama ang lahat.
Makakapagbigay-pugay tayo sa mga pioneer sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga halimbawa. ●
Maaari Akong Maging Pioneer
Sinumang nangunguna sa pagtulong na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya ay isang pioneer.
Hanapin ang iyong daan palabas sa maze. Sa pagdaan sa mga ito, maaari kang maging pioneer kapag …
-
Kapag may natututuhan akong bago.
-
Kapag tumutulong akong simulan ang isang mabuting tradisyon.
-
Kapag tinuturuan ko ang aking pamilya tungkol sa ebanghelyo.
-
Kapag gumagawa ako ng mga bagay-bagay para mabuo ang aking walang-hanggang pamilya.