Paano Natin Mapapalakas ang Ating Pananampalataya—nang Magkakasama
Sa ating pag-aaral ng Aklat ni Mormon sa buwang ito, matututo tayo tungkol kay Korihor, na kinumbinsi ang maraming miyembro ng Simbahan na nalinlang sila ng mga propeta ngunit kalaunan ay inamin na siya mismo ay nalinlang ni Satanas at nanlinlang ng iba. Matututo tayo tungkol sa mga Zoramita, isang angkan na inihiwalay ang kanilang sarili sa Simbahan. At makikita natin si Nakababatang Alma, na dati’y aktibong kumakalaban sa Simbahan, na naghahangad na patatagin ang kanyang sariling mga anak na nasa hustong gulang na laban sa mga pagpiling maglalayo sa kanila sa Panginoon at sa Kanyang Simbahan.
Ang ilan sa atin ay may mga kapamilya o kaibigan na pinipiling hindi na makilahok sa ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon. Maaaring masakit ito para sa atin na malakas ang pananampalataya. Nais nating tumulong, pero iniisip ng marami sa atin kung paano.
Hindi kailanman magagawa ng isang isyu ng magasin na talakayin ang lahat ng dahilan kung bakit humihina ang pananampalataya o ipaliwanag kung paano tutugon kung sakaling mangyari ito. Magkakaiba ang mga pagsubok sa pananampalataya na nararanasan ng mga tao. Ngunit sa isyung ito, umaasa kaming makapagbigay ng kaunting tulong, tulad ng:
-
Karanasan ng isang tao sa pagbalik sa Simbahan at kung ano ang natutuhan niya mula rito (tingnan sa pahina 26).
-
Ang kahalagahan ng pagtanggap sa lahat ng tao (tingnan sa 40).
-
Mga mungkahi para sa mga magulang tungkol sa kung paano pagbubutihin ang kanilang relasyon sa kanilang mga anak na nasa hustong gulang na piniling tumahak ng ibang landas (tingnan sa pahina 30).
-
Mga nakakatulong na pananaw tungkol sa kasaysayan ng Simbahan at kung paano nito mapapalakas ang ating pananampalataya (tingnan sa pahina 12).
Umaasa kami na makakapagbigay ang mga artikulong ito ng panimula para maghangad kayo ng banal na patnubay para sa inyong mga sariling kalagayan.
Tapat na sumasainyo,
Adam C. Olson
Namamahalang Patnugot