Ano ang Iniisip Mo?
Kailanma’y wala akong nagawa na talagang masama. Kailangan ko pa rin bang magsisi?—Nag-aalinlangan mula sa Udine
Mahal naming Nag-aalinlangan,
Lahat ay kailangang magsisi, dahil walang sinuman ang perpekto! Ang pagsisisi ay maaaring kasingsimple lang ng pagdarasal sa Ama sa Langit tungkol sa nangyari sa buong araw at pagsasabi sa Kanya na nais mong maging mas mabuti bukas. Humihingi tayo sa Kanya ng kapatawaran kapag may nagawa tayong pagkakamali, at pinatatawad Niya tayo. Iniisip ng ilang tao na ang pagsisisi ay isang bagay na nakakatakot. Ngunit ito ay isang bagay na masaya! Ang pagsisisi ay isang kaloob na ibinigay sa atin ni Jesucristo para tayo ay matuto, umunlad, magbago, at maging higit na katulad Niya. Sinabi ni Pangulong Nelson na dapat tayong magsisi araw-araw. Kapag ginawa mo ito, makadarama ka ng higit na kapayapaan at kapangyarihan sa iyong buhay.
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
Subukan mo ito!
Kakailanganin mo ng:
asin
pamintang itim
plastik na kutsara
tuwalya
-
Magtaktak ng asin sa pinggan. Isinasagisag nito kung gaano tayo kadalisay at kalinis bago tayo magkasala.
-
Magbudbod ng kaunting paminta sa ibabaw ng asin Isinasagisag nito ang mga maling pagpili na ginagawa natin.
-
Ngayon, kunin ang plastik na kutsara at ikuskos ito sa tuwalya.
-
Dahan-dahang itapat ang kutsara sa itaas ng asin at paminta. Ang paminta ay didikit sa kutsara! Ito ay katulad ng pagpapatawad sa atin kapag nagsisisi tayo.
Tulad ng kutsara na nag-aalis ng paminta sa aktibidad na ito, magagawa tayong malinis ng pagsisisi mula sa mga maling pagpili na ginagawa natin araw-araw—malaki man o maliit. Dahil kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, lahat tayo ay may pagkakataon na magsisi.