Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Paano Nagiging Kagalakan ang Kalungkutan Dahil sa Pagsisisi?
Hulyo 20–26
Ibinahagi ni Alma sa kanyang anak na si Helaman ang kanyang karanasan sa pagbabalik-loob. Sinabi sa kanya ni Alma kung paano siya “giniyagis ng walang hanggang pagdurusa” dahil sa “lahat ng [kanyang] kasalanan at mga kasamaan” (Alma 36:12–13). Ano ang nadarama mo kapag nakokonsensya ka dahil sa kasalanan?
Isinilang sa Diyos
Pagkaraan ng tatlong araw ng pagdurusa ng kalooban, may naisip si Alma na pumawi sa pagdurusang nadama niya (tingnan sa Alma 36:19). Pinatotohanan niya na siya ay “isinilang sa Diyos” (Alma 36:23). Ano ang naisip niya na humantong sa kanyang pagsilang sa Diyos? (Tingnan sa talata 18.)
Kagalakan Pagkatapos ng Matinding Kalungkutan
Nakaranas ng matinding kalungkutan si Alma dahil sa kanyang mga kasalanan, ngunit nang maalala niya si Jesucristo at manawagan siya sa Kanya, napalitan ang kanyang kalungkutan ng matamis at masidhing kagalakan ng kapatawaran (tingnan sa Alma 36:20).
Magtiwala sa Diyos
Sa pamamagitan ng pag-alaala sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, natutuhan ni Alma na magtiwala sa Diyos at nalaman niya na dadakilain siya sa huling araw (tingnan sa Alma 36:3). Paano nagdulot ng kagalakan sa iyo ang pag-alaala at pag-asa sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas?