2020
Hello mula sa Argentina!
Hulyo 2020


Hello mula sa Argentina!

Hello from Argentina

Hi! Kami sina Margo at Paolo.

Samahan kami sa pagbisita namin sa Argentina!

Ang Argentina ay isang bansa sa Timog Amerika. Mahigit 2,000 milya (3,219 km) ang haba nito. Sa hilaga, napakainit sa panahon ng tag-init. Sa timog, may mga nagyeyelong glacier sa buong taon!

Ang mga empanada ay sikat na pagkain sa Argentina. Ito ay isang pastry na pinalamanan ng karne ng baka, mais, o prutas. Ang sarap!

Ang mga koboy ay tinatawag na mga gaucho sa Argentina. Sila ay nag-aalaga ng mga baka at kabayo.

Maraming tao ang bumibili ng pagkain sa mga palengke sa labas. Tinutulungan ng batang ito ang kanyang ama na buhatin ang isang sandía o pakwan.

Binisita ng batang ito ang Córdoba Argentina Temple noong araw na inilaan ito. Malapit nang magkaroon ng tatlong templo sa Argentina!

Maraming kamangha-manghang hayop na nakatira sa Argentina—mga jaguar, condor, at penguin!

Ang Ushuaia ay isa sa pinakamalalapit na lungsod sa South Pole sa buong mundo! May tatlong ward sa lungsod na iyon.

Kilalanin ang ilan sa aming mga kaibigan mula sa Argentina!

Nang ilahad ni Pangulong Russell M. Nelson ang bagong programa ng mga mithiin para sa mga bata at kabataan, nagtakda ako ng mga mithiin na tumakbo, maging mabuting kaibigan, at gawing mas taimtim ang aking mga panalangin. Nagpatotoo ako sa sacrament meeting na alam ko na kung gagawin ko ang programang ito, tutulungan ako ng Ama sa Langit.

Gonzalo L., edad 7, Buenos Aires, Argentina

Kapag nagbabasa tayo ng mga banal na kasulatan, natututuhan natin ang tungkol kay Jesucristo at kung paano Niya tayo minamahal. Nakakatulong iyon sa akin na maging masaya. Alam ko na mahal Niya ako.

Emma L., edad 5, Buenos Aires, Argentina

Taga-Argentina ka ba? Sulatan kami! Gusto naming makarinig mula sa iyo.

Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Argentina. Hanggang sa muli!