Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano tayo magiging katulad ni Edward Partridge?
Abril 19–25
Si Edward Partridge ang unang bishop ng ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo. Sa kanyang matibay na patotoo, naging handa siyang isakripisyo ang lahat ng mayroon siya at magtiis ng sunud-sunod na mga paghihirap, sapagkat alam niyang totoo ang Simbahan.
Ano ang katangian niya?
Sinabi ng Panginoon na ang “puso [ni Edward] ay dalisay sa harapan ko, sapagkat siya ay katulad ni Natanael noong sinauna, na sa kanya ay walang pandaraya” (Doktrina at mga Tipan 41:11). Ibig sabihin nito ay walang hangarin si Edward na linlangin o dayain ang iba; dalisay ang kanyang mga layon. Bakit mahalagang magkaroon ng ganitong katangian ang mga pinuno ng Simbahan?
Ano ang ginawa niyang mga sakripisyo?
Nang sumapi si Edward sa Simbahan, hindi siya tinanggap ng pamilya ng kanyang ama. Bilang bishop, pinangasiwaan niya ang inilaang ari-arian ng mga Banal. Isinakripisyo rin niya ang sarili niyang ari-arian (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 41:9) at nagtiis sila ng kanyang pamilya ng matinding karukhaan. Binuhusan siya ng alkitran at balahibo, inusig, at ibinilanggo dahil sa kanyang pananampalataya. Kahit tumiwalag ang ilang pinuno ng Simbahan, nanatili siyang tapat. Pinaglingkuran niya ang Panginoon nang buong lakas hanggang sa pumanaw siya sa edad na 46 (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:19).
“Dahil hindi na ako nagtuon sa mga makalupang bagay; sa mga karangyaan at laruan ng panahon at damdamin, at naging handa akong mahalin at paglingkuran ang Diyos nang buong puso, at maakay ng kanyang banal na Espiritu, ang aking isipan ay tila patuloy na lumalawak—na tumatanggap ng mga bagay ng Diyos, hanggang sa ang di-maipaliwanag na mga kaluwalhatian ay malahad sa aking harapan.”1
Talakayan
Bakit natiis ni Edward Partridge ang napakaraming hirap? Paano makakatulong sa atin ang kanyang halimbawa sa paglilingkod natin sa Panginoon?