2021
Paano tayo tinitipon ng Diyos?
Abril 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Paano tayo tinitipon ng Diyos?

Doktrina at mga Tipan 37–40

Abril 12–18

article on gathering

Inutusan tayo ng Tagapagligtas na “maging isa.” Sabi Niya, “Maging isa; at kung hindi kayo isa kayo ay hindi sa akin” (Doktrina at mga Tipan 38:27). Ang isang paraan para tayo maging isa ay sa pamamagitan ng pagtitipon.

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Nasasabik ang ating Ama sa Langit na tipunin at pagpalain ang Kanyang buong pamilya.”1 Narito ang tatlong paraan para makapagtipon at magkaisa tayo sa pananampalataya.

1. Pagtitipon sa isang lugar

Noong mga unang araw ng Pagpapanumbalik, inutusan ng Diyos ang Kanyang mga Banal na “[magtipon] sa isang lugar … upang ihanda ang kanilang mga puso at maging handa sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 29:8).

Nagtipon ang naunang mga Banal sa mga Huling Araw sa maraming lugar, tulad sa Ohio, Missouri, Illinois, Utah, at England. Ang sama-samang pagtitipon ay nakatulong na maging matatag ang mga miyembro at maitayo ang Simbahan.

2. Pagtitipon kung nasaan kayo

Sa paglipas ng panahon, sinimulang hikayatin ng mga pinuno ng Simbahan ang mga miyembro na magtipon at itatag ang Simbahan sa kanilang sariling bayan. Saanman sama-samang nagtitipon ang mga miyembro, maaari silang makibahagi sa pagtitipon ng ikinalat na Israel. Sabi ng Panginoon, “Ako ay may mahalagang gawaing nakalaan, sapagkat ang Israel ay maliligtas” (Doktrina at mga Tipan 38:33).

3. Pagtitipon sa magkabilang panig ng tabing

Tinawag tayo ng Diyos na “isakatuparan ang pagtitipon ng aking mga hinirang” (Doktrina at mga Tipan 29:7). Kabilang dito ang mga tinitipon natin sa pamamagitan ng gawaing misyonero at ang mga taong tinitipon natin sa kabilang panig ng tabing. Itinuro ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Kapag tinipon natin ang mga kasaysayan ng ating pamilya at pumunta sa templo para sa mga ninuno natin, sabay na tinutupad ng Diyos ang marami sa mga ipinangakong pagpapala sa magkabilang panig ng tabing.”2

Talakayan

Anong mga pagpapala ang natanggap na ninyo sa pamamagitan ng pagtitipon sa iba pang mga Banal? Paano kayo napagpala sa pagtulong sa Diyos na tipunin ang Kanyang mga anak?

Mga Tala

  1. Henry B. Eyring, “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos,” Liahona, Mayo 2017, 20–21.

  2. Dale G. Renlund, “Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” Liahona, Mayo 2018, 49.