2021
Paano pinagpapala ng Panginoon ang mga naglilingkod sa Kanya?
Abril 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Paano pinagpapala ng Panginoon ang mga naglilingkod sa Kanya?

Doktrina at mga Tipan 30–36

Abril 5–11

article on blessings of service

Matapos sabihang iwan ang kanyang pamilya para magmisyon, pinangakuan si Thomas B. Marsh ng maraming pagpapala sa mga sakripisyong ginawa niya para makapaglingkod (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 31:2, 5, 7).

Kasama si Brother Marsh, marami ang nakatanggap ng mga pagpapala nang hangarin nilang itatag ang ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon sa iba’t ibang dako ng mundo. Isang halimbawa sina Johann at Theresia Huber, na tumulong na itatag ang Simbahan sa Austria noong unang bahagi ng 1900s.

Pananampalataya sa Harap ng mga Paghihirap

Nang mabinyagan ang pamilya Huber sa Simbahan at lisanin nila ang Katolisismo, ang nangingibabaw na relihiyon sa Austria, maraming lumitaw na mga problema sa batas at lipunan. Nang malaman ng mga tao na hindi nangungumpisal ang mga anak ng mga Huber, nagbanta silang aalisin ang mga bata sa kanilang tahanan. Sinabihan pa ng iba si Theresia na iwanan si Johann.

Mga Pagpapala at Bagong Oportunidad

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, naglaho ang dating mga paghihigpit sa relihiyon, na nagtulot sa mga tao na mas malayang ipamuhay ang kanilang pananampalataya. Binantayan ng Panginoon ang pamilya Huber nang patuloy nilang ibahagi ang ebanghelyo, at hindi nagtagal ay nagsimulang magpulong ang isang maliit na branch sa kamalig ng mga Huber. Tinawag si Johann na maglingkod bilang unang branch president sa Austria. Naglingkod siya nang 25 taon.1

Talakayan

Paano napagpala ng Panginoon ang inyong pamilya sa paglilingkod ninyo sa Kanya?

Tala

  1. Tingnan sa “The First Branch in Austria,” ChurchofJesusChrist.org/study/history/global-histories.