Welcome sa Isyung Ito
Pagtitiwala sa mga Pangako ng Tagapagligtas
Lahat tayo ay may mga problema sa buhay. Ang ilan ay maliliit at pansamantala, samantalang ang iba ay malalaki at nagtatagal. Sa mga hamong ito, ipinadarama ng mga kaibigang katulad ni Cristo na may nagmamahal at nagpapalakas sa atin.
Sa pahina 32, makikilala ninyo ang isa sa pinakamamahal kong mga kaibigan, si Heather, na pinalakas ako sa pagmamahal sa paglipas ng maraming taon ng aming pagkakaibigan. Siya ay isang babaeng may pambihirang pananampalataya na hindi hinahayaan ang mga pagsubok sa buhay na ito—tulad ng araw-araw na paghihirap niya sa cerebral palsy—na madaig ang kanyang pag-asa o pahinain ang loob niya sa kanyang mabubuting gawa. Isa lamang siya sa marami sa ating mga kapatid na nakakaya, bagama’t nasuring may kapansanan, na itayo ang kaharian ng Diyos sa mabibisang paraan.
Maraming beses ko nang narinig si Heather na magpatotoo tungkol sa tiwala niya sa mga pangako ng Tagapagligtas. Ang mensaheng iyan ay tila lalong nakakalungkot sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, na nag-aanyaya sa bawat isa sa atin na tumigil sandali at pagnilayan kung ano ang posible dahil kay Jesucristo. Kayang baguhin ng Kanyang pagmamahal ang ating mga pakikibaka at gawing mga batong tuntungan ang mga ito. Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, walang sakit, karamdaman, o limitasyon ng kakayahan na hindi Niya nauunawaan. Nag-aalok Siya ng lubos na paggaling. Iyan ang galak na ipinagdiriwang natin sa Pasko ng Pagkabuhay.
Nagmamahal,
Marissa Widdison
Gospel Living App Assistant Managing Editor