Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang itinuro ni Joseph Smith tungkol sa kamatayan at pagkabuhay na mag-uli?
Pasko ng Pagkabuhay
Marso 29–Abril 4
Nalaman ni Joseph Smith sa pamamagitan ng paghahayag na lahat ng namamatay ay mabubuhay na mag-uli dahil kay Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:26). Narito ang ilan sa mga doktrinang puno ng pag-asa na ibinahagi niya.
May pag-asa kahit sa pagdadalamhati.
“Nagdadalamhati ang puso ko para sa mga nangamatay, ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa, dahil makikita at makakapiling ko silang muli.”1
Ang kamatayan ay bahagi ng plano ng Diyos.
“Nahirapan akong mabuhay sa mundo at makitang kinukuha sa amin ang [mga kapatid kong sina Alvin at Don Carlos] … sa kanilang kasibulan. … Ngunit alam ko na dapat tayong pumayapa at tanggapin na ito ay sa Diyos, at tanggapin ang Kanyang kalooban; tama ang lahat ng ito.”2
Ang kamatayan ay panandalian.
“Nahiwalay lamang ang [ating] mga kamag-anak at kaibigan sa kanilang katawan sa maikling panahon.”3
Hindi dapat matakot ang mabubuti.
“May dahilan tayo para magkaroon ng napakalaking pag-asa at kaaliwan para sa ating mga patay kaysa sinumang tao sa mundo.”4
Talakayan
Paano kayo binibigyan ng pag-asa at kapayapaan ng mga pangako ng Pagkabuhay na Mag-uli? Paano ninyo ibabahagi sa iba ang mga katotohanang ito?