Narito ang Simbahan
Piriápolis, Uruguay
Si Elsa Castillo De Aicardi at ang kanyang apong lalaki ay madalas maglakad sa dalampasigan malapit sa kanilang tahanan. Sa larawang ito isinasagisag nila ang tatlong bagay na karaniwang gustung-gusto sa Uruguay: pamilya, fútbol, at ang dalampasigan. Sa maraming pamilyang taga-Uruguay, tumutulong ang mga lolo’t lola sa pag-aalaga sa mga apo. Sa Uruguay ang Simbahan ay mayroong:
Pangangalaga sa mga Bata
Sa kabiserang lungsod ng Montevideo, inaalagaan ni Andrea Rodriguez ang kanyang sanggol na babae habang nakikipaglaro ang kanyang asawang si Marcos Sormani sa iba pa nilang mga anak. “Itinuturo sa atin ng mga buhay na propeta na ang mga magulang ay may sagradong responsibilidad na arugain ang mga anak,” sabi niya.