2021
Mga Tampok mula sa Ika-191 Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Nobyembre 2021


Mga Tampok mula sa Ika-191 Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya

Nababago tayo kapag ipinamumuhay natin ang mga katotohanan ng ebanghelyo na natututuhan natin. Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang simple ngunit makabuluhang mensaheng iyon para simulan at tapusin ang pangkalahatang kumperensya.

“Makapangyarihan ang dalisay na doktrina ni Cristo,” sabi niya sa kanyang pambungad na mensahe. Binabago nito ang buhay ng lahat ng taong nakauunawa rito at hangad na ipamuhay ito.” Kinabukasan, sa kanyang pangwakas na mensahe, sinabi niya: “Tinuruan tayong mabuti. … Ngayon, ang tanong ay, paano tayo mababago dahil sa ating narinig at nadama?”

Kabilang sa maraming mahahalagang aral na itinuro sa pangkalahatang kumperensyang ito:

  • Natutuhan natin na panahon na para ipatupad ang pambihirang mga hakbang upang palakasin ang ating personal na espirituwal na mga pundasyon (tingnan sa Pangulong Nelson sa pahina 93).

  • Natutuhan natin ang kahalagahan ng pagiging disipulo at maging ang kasimplihan nito (tingnan sa Pangulong M. Russell Ballard sa pahina 51, Elder Dieter F. Uchtdorf sa pahina 77, at Elder Gary E. Stevenson sa pahina 47).

  • Nalaman natin kung bakit kailangan natin ang Simbahan at na marami tayong magagawa para mapagpala ang iba kapag nagtutulungan tayo (tingnan sa Pangulong Dallin H. Oaks sa pahina 24, Bishop L. Todd Budge sa pahina 100, Bonnie H. Cordon sa pahina 10, at Sharon Eubank sa pahina 53).

  • Nalaman natin namatutulungan tayo ng pagmamahal sa Diyos na daigin ang mga pagkakawatak-watak na humahadlang sa ating pagkakaisa (tingnan sa Elder Jeffrey R. Holland sa pahina 8, Elder D. Todd Christofferson sa pahina 16, at Elder Dale G. Renlund sa pahina 83).

  • Nalaman natin na maaanyayahan natin ang paghahayag sa ating buhay sa pamamagitan ng pagpapasakop sa kalooban ng Panginoon at na ang pagkakaroon ng mga tanong at pagtatanong ng mga bagay na hindi natin masagot ay katanggap-tanggap (tingnan sa Pangulong Henry B. Eyring sa pahina 74, Camille N. Johnson sa pahina 80, at Susan H. Porter sa pahina 33).

Ano ang narinig ninyo? Ano ang nadama ninyo? Paano ninyo maipamumuhay ang dalisay na katotohanan, dalisay na doktrina, at dalisay na paghahayag na matutuklasan ninyo habang patuloy ninyong pinag-aaralan ang mga mensahe ng pangkalahatang kumperensya?