2021
Patuloy ang Pagtatayo ng mga Bagong Templo
Nobyembre 2021


Patuloy ang Pagtatayo ng mga Bagong Templo

Habang patuloy na bumubuti ang lokal na mga kalagayang dulot ng pandemya, nagsimula na namang muling sumulong ang mga templo at ang kaugnay na mga open house at paglalaan. Patuloy ang phased na muling pagbubukas ng mga templo, na binabago kapag kailangan ayon sa lokal na mga kalagayan.

Malapit na ang mga open house para sa templo sa Winnipeg, Manitoba, Canada, na ilalaan sa Oktubre 31, 2021, at para sa templo sa Pocatello, Idaho, USA, na ilalaan sa Nobyembre 7, 2021.

Ang bagong Mesa Arizona Temple Visitors’ Center ay inilaan noong Agosto 2021, at magkakaroon ng open house para sa templo mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 20, at gaganapin ang muling paglalaan sa Disyembre 12.

Isang binagong Nauvoo Temple historical district sa Illinois, USA, ang inilaan, at may iba pang mga phase na idaragdag kalaunan.

Isang open house ang nakaiskedyul para sa templo sa Washington, D.C., USA, bago ito muling ilaan sa Hunyo 19, 2022.

Noong Mayo ng taong ito, isang templo ang ibinalita para sa Ephraim, Utah, USA, at sinimulan na ang groundbreaking o paghuhukay para sa mga templo sa Salvador, Brazil; Nairobi, Kenya; Phnom Penh, Cambodia; Neiafu, Tonga; at Tallahassee, Florida; Tooele, Utah; Syracuse, Utah; Helena, Montana; at Pittsburgh, Pennsylvania, USA.

Kasunod ng pangkalahatang kumperensya, sinimulan din ang groundbreaking o paghuhukay noong Oktubre 9, 2021, para sa templo sa Casper, Wyoming, USA, at noong Oktubre 30, 2021, para sa templo sa Pago Pago, American Samoa.

Patuloy ang mga renobasyon para sa mga templo sa Hamilton, New Zealand; Hong Kong, China; Tokyo, Japan; Columbus, Ohio, USA; at Manti, Salt Lake City, at St. George, Utah, USA.

Patuloy ang pagtatayo ng 40 karagdagang mga templo sa buong mundo.