2021
Sinang-ayunan ang mga Bagong Area Seventy
Nobyembre 2021


Sinang-ayunan ang mga Bagong Area Seventy

Dalawang bagong Area Seventy ang magkahiwalay na sinang-ayunan sa isang leadership training meeting na idinaos bilang bahagi ng pangkalahatang kumperensya. Pagkatapos ay sabay-sabay na sinang-ayunan ang lahat ng Area Seventy sa sesyon sa Sabado ng hapon ng pangkalahatang kumperensya.

Si Elder Charden Ndinga, 41, ng Pointe-Noire, Republic of the Congo, ay maglilingkod sa Pangatlong Korum ng Pitumpu (Africa Central, South, at West Areas). Si Elder Pedro E. Hernández, 51, ng Punto Fijo, Venezuela, ay maglilingkod sa Pang-siyam na Korum ng Pitumpu (South America Northwest at South Areas).

Maraming iba pang pag-release ng Area Seventy ang ibinalita noong Hulyo. Ang mga Area Seventy ay “mga natatanging saksi” ni Jesucristo sa mga lugar kung saan sila nakatira (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 27:12). Naglilingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng Panguluhan ng Pitumpu.

Ang leadership meeting ay dinaluhan nang personal o virtual ng mga 300 General Authority, Pangkalahatang Pinuno, at Area Seventy.