Muling Pagbubukas ng mga Templo: Maingat na Maingat
Nagbukas nang muli ang mga templo sa maingat na maingat na paraan sa limang phase at batay sa mga lokal na sitwasyon at mga paghihigpit ng pamahalaan na nauugnay sa pandemyang COVID-19. Binabawasan ng mga phase ang panganib, tinutugunan ang pangangailangan at kapasidad ng templo, at sinusunod ang mga restriksyon ukol sa kalusugan sa temple district.
Noong Setyembre 2021, nag-isyu ng isang liham ang Unang Panguluhan na nagbibilin sa lahat ng temple patron at worker na laging magsuot ng mask habang nasa loob ng templo. “Ang mga protokol na ito sa kaligtasan ay pansamantala, batay sa mga kalagayan ng COVID-19, at babawiin sa lalong madaling panahon kapag pinahihintulutan ng sitwasyon,” sabi sa liham. “Mangyaring gawin ang lahat ng inyong makakaya para protektahan ang inyong sarili at ang iba upang makasulong ang gawain ng Panginoon sa magkabilang panig ng tabing.”
Hinikayat na rin ng Unang Panguluhan ang mga miyembro ng Simbahan na magpabakuna at protektahan ang kanilang sarili at ang iba pa mula sa pagkalat ng sakit.