13 Templo, 1 Renobasyon, Ibinalita
Ang mga planong magtayo ng 13 bagong templo at mag-renovate ng isa pa ay ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson sa kanyang pangwakas na mga komento sa pangkalahatang kumperensya.
Ang mga bagong templo ay itatayo sa o malapit sa sumusunod na mga lugar:
-
Kaohsiung, Taiwan
-
Tacloban City, Philippines
-
Monrovia, Liberia
-
Kananga, Democratic Republic of the Congo
-
Antananarivo, Madagascar
-
Culiacán, México
-
Vitória, Brazil
-
La Paz, Bolivia
-
Santiago West, Chile
-
Fort Worth, Texas, USA
-
Cody, Wyoming, USA
-
Rexburg North, Idaho, USA
-
Heber Valley, Utah, USA
Ibinalita rin ni Pangulong Nelson na muling itatayo ang Provo Utah Temple kapag natapos na ang Orem Utah Temple.
Nakapagbalita na ngayon ng 83 templo si Pangulong Nelson simula nang siya ang maging Pangulo ng Simbahan noong 2018.