2021
Ang Simbahan ay Naglalaan ng Tulong at Ginhawa
Nobyembre 2021


Ang Simbahan ay Naglalaan ng Tulong at Ginhawa

Sa panahon ng krisis at saanmang lugar sa mundo ang nangangailangan ng tulong, patuloy na ginagawa ng Simbahan ang lahat para makatulong at magpaginhawa, na kadalasa’y sa pakikipagtulungan sa iba pang mga organisasyong pangkawanggawa at mga ahensyang hindi pag-aari ng pamahalaan. Nitong nakaraang anim na buwan, ang Latter-day Saint Charities, ang humanitarian arm ng Simbahan, ay naglaan ng suporta upang:

  • Bigyang-kakayahan ang isang nonprofit organization na mag-install ng tubig sa mga bahay sa mga liblib na lugar ng Navajo Nation sa New Mexico, Arizona, at Utah, USA.

  • Mamahagi ng tinatayang 2 bilyong dosis ng bakuna laban sa COVID-19 sa nanganganib na mga populasyon sa 121 bansa at teritoryo.

  • Maglaan ng mga relief supply sa mga Ethiopian refugee na nakatira sa Sudan at sa mga nayon sa Sudan na binaha nang husto. Nakatulong din ang suporta para makabawi ang mga magsasaka pagkatapos ng baha at maglaan ng pagkain para sa kanilang sarili at sa iba at natulungan ang mga pamilya na maitaguyod ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsisimula ng sarili nilang negosyo.

  • Tumulong sa 9,000 refugee at imigrante sa pamamagitan ng halos 190 organisasyong pangkawanggawa sa Estados Unidos, na nag-aalok ng sunud-sunod na grant na umaabot sa U.S. $5 milyon.

  • Patuloy na magbigay ng training at ng mga computer para sa mga bulag at may kapansanan sa paningin sa French Polynesia.

  • Makipag-ugnayan sa iba pang mga organisasyon ng relihiyon at komunidad para tulungan ang mga imigranteng pamilya sa isang transfer center sa Houston, Texas, USA.

  • Gawing posible ang 20 relief project sa panahon ng pandemya sa Paraguay.

  • Maghatid ng ginhawa sa Haiti kasunod ng isang mapaminsalang lindol, sa paggamit ng mga gusali ng Simbahan bilang mga kanlungan at paglalaan ng Simbahan ng pagkain, tubig, at iba pang mga suplay.

  • Tumugon sa mahahalagang pangangailangan ng mga Afghan refugee na nakatira sa Qatar, Europa, at Estados Unidos.

Nagbigay rin ng tulong ang Simbahan sa Caribbean Islands ng Saint Vincent at sa Grenadines nang sumabog ang bulkan doon; nag-organisa ng mga volunteer na tutulong sa paglilinis at pagtayong muli nang hagupitin ng bagyo ang Gulf Coast at Louisiana, USA; at naglaan ng tulong nang mag-iwan ng bakas ng pagkawasak ang pagbaha sa mga bahagi ng Germany, Belgium, the Netherlands, Luxembourg, at Switzerland.