Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano ninyo mapapatatag ang inyong pamilya sa pamamagitan ng pagkahabag?
Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo
Nakasaad sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak ang maraming alituntunin sa pagpapatatag ng mga pamilya tulad ng “pananampalataya, panalangin, pagsisisi, pagpapatawad, paggalang, pagmamahalan, awa [habag], gawa, at kapaki-pakinabang na mga gawaing panlibangan.”1 Ang pag-aaral at pagsasabuhay ng bawat isa sa mga alituntuning ito ay makatutulong sa atin na magkaroon ng mas matitibay na relasyon. Isipin, halimbawa, ang alituntunin ng pagkahabag.
Paano maipapakita ang pagkahabag sa tahanan?
Ang isang paraan na maipapakita natin ang pagkahabag sa tahanan ay ang “magpasan ng pasanin ng isa’t isa” (Mosias 18:8). Ano ang magagawa ninyo para matulungan ang mga miyembro ng inyong pamilya sa mga paghihirap na kinakaharap nila?
Paano nagpapakita ng pagkahabag si Jesucristo?
Basahin kung paano Siya naglingkod sa mga Nephita sa 3 Nephi 17:5–10. Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagkahabag mula sa halimbawa ni Cristo?
Ang pagkahabag ng Tagapagligtas
“Isa sa mga katangian ng Tagapagligtas na lubos nating pinasasalamatan ay ang Kanyang walang-hanggang pagkahabag. …
“… Maaari at dapat kayong maging mahalagang bahagi ng Kanyang pagbibigay ng kapanatagan sa mga taong nangangailangan ng aliw” (Henry B. Eyring, “Ang Mang-aaliw,” Liahona, Mayo 2015, 17).
Sino ang maaari ninyong bigyan ng kaaliwan?