Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang itinuturo sa Doktrina at mga Tipan tungkol sa kabilang-buhay?
Nakita kapwa ni Propetang Joseph Smith (1805–1844) at ni Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918) ang mga pangitain tungkol sa kabilang-buhay. Ang mga paghahayag na ito ay nagbibigay sa atin ng mahalagang impormasyon tungkol sa mararanasan natin sa susunod na buhay.
-
Ano ang nangyayari sa mga batang namatay bago umabot sa edad ng pananagutan? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 137:10.)
-
Sino ang dinalaw ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:12–22.)
-
Kapag tayo ay nabuhay na mag-uli, ano ang mangyayari sa ating espiritu at katawan? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:16–17.)
-
Sino ang matututo tungkol sa ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:29–35.)
-
Ano ang nangyayari sa mga nasa daigdig ng mga espiritu na nagsisisi sa kanilang mga kasalanan? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:58–59.)