Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Bakit nagbabago kung minsan ang patakaran ng Simbahan?
Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2
Sa nakaraang 200 taon, naghayag ang Panginoon ng maraming katotohanan sa Kanyang mga propeta. Ang ilang paghahayag ay humahantong sa mga pagbabago sa patakaran, tulad ng mga matatagpuan sa mga Opisyal na Pahayag. Ang mga pagbabago ay likas na bahagi ng tunay at buhay na Simbahan. Gayunman, ang doktrina—ang pundasyon at walang-hanggang mga katotohanan ng ebanghelyo—ay hindi kailanman nagbabago. Tutulungan tayo ng visual na ito na makita ang kaugnayan sa pagitan ng patakaran at ng doktrina ng Simbahan.
Tulad ng kung paano tumatanggap ng buhay ang isang puno mula sa mga ugat, ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng espirituwal na buhay sa plano ng kaligtasan. Ang ebanghelyo, paghahayag, at priesthood ay nagmumula sa Panguluhang Diyos.
Ang doktrina ng ebanghelyo ay walang-hanggan at hindi nagbabago at nagmumula sa Panguluhang Diyos. Naiimplu-wensyahan ng doktrina ang mga patakaran at gawain ng Simbahan.
Ginagabayan ng patakaran ng Simbahan ang doktrina ngunit sumasailalim sa mga pagbabago, tulad ng inihahayag ng Panginoon sa Kanyang propeta. Tulad ng mga sanga ng isang puno, ang patakaran ay “lumalago” o nagbabago ayon sa paggabay ng doktrina at sa pamamagitan ng paghahayag. Bagaman binibigyang-inspirasyon pa rin, ang patakaran ay hindi walang-hanggan na tulad ng doktrina ng Simbahan.