2021
Ang Paglago ng Family History Resources
Disyembre 2021


Ang Paglago ng Family History Resources

family history class

Ang paglago ng family history resources at ang paggamit nito ay nagpapakita ng paggabay at kapangyarihan ng Panginoon sa mahalagang gawaing ito ng Simbahan, at ipinapakita nito ang Kanyang pagmamahal sa atin at sa ating pamilya—sa magkabilang panig ng tabing.

1894: Sinimulan ng Genealogical Society of Utah (ngayo’y FamilySearch) ang library nito na may koleksyon ng 300 aklat. Ang FamilySearch ngayon ay may mahigit 503,000 na digital na mga aklat.

1934: Ang Genealogical Society of Utah ay may mahigit 6,000 mga miyembro. Ngayon, mahigit 18.7 milyon ang nakarehistrong FamilySearch.org users.

1964: Sinimulang itatag ang mga Genealogical library sa mga stake center. May mahigit 5,200 na mga family history center na ngayon sa 145 bansa.

1999: Inilunsad ang FamilySearch online. Available na ngayon sa 30 wika, mahigit 150 milyong katao na ang bumisita sa FamilySearch.org para mas alamin pa ang tungkol sa pamana ng kanilang pamilya.

2010: Inilunsad ang bagong Record Search ng FamilySearch.org na may mahigit isang bilyong pangalan at milyun-milyong mga larawan. Mayroon na ngayong 8.4 bilyon na mahahanap na mga pangalan at 4.4 bilyon na mga digital na larawan na nakalathala.

2017: Nagsimula ang web-based indexing, kasunod ng 11 taon ng software-based indexing. Simula noong 2017, mahigit 800,000 indexing na mga volunteer ang nakilahok.

2021: Mahigit 1 milyon na interesado sa family history ang lumahok sa RootsTech Connect.

article on the growth of family history resources