Liahona
Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay
Marso 2024


“Mensahe ng Unang Panguluhan sa Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Mar. 2024.

Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay

Nakatingala si Jesucristo sa langit at nakataas ang Kanyang mga bisig

For This Purpose I Have Come [Dahil sa Layuning Ito Ako ay Naparito], ni Yongsung Kim, sa kagandahang- loob ng Havenlight

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, inaanyayahan namin kayong pagnilayan ang nagbabayad-salang sakripisyo at maluwalhating Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, na siyang nagpapala sa ating lahat.

Sa pamamagitan ng ating Manunubos na si Jesucristo, tinatanggap natin ang mensaheng ito ng pag-asa: “Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa pag-uusig: ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan” (Juan 16:33). Nangako ang Tagapagligtas na kapag sinunod natin ang Kanyang mga kautusan at ordenansa, magkakaroon tayo ng “kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating” (Doktrina at mga Tipan 59:23).

Pinatototohanan namin na si Jesucristo ay buhay! “Siya’y binuhay” (Mateo 28:6). Dahil sa Kanya, magagabayan at mapapalakas tayo kapag pinasan natin ang mga pasaning kinakaharap natin sa mortalidad. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas, hindi tayo magagapi ng gapos ng kasalanan at ang mga pagsubok na nararanasan natin sa buhay ay hindi magkakaroon ng patuloy na lakas sa atin. “Ang tibo ng kamatayan ay nalulon kay Cristo” (Mosias 16:8).

mga lagda ng mga miyembro ng Unang Panguluhan

Ang Unang Panguluhan