“Anong mga Katotohanan ang Itinuturo sa Atin ng 1 Nephi and 2 Nephi tungkol kay Jesucristo?,” Liahona, Mar. 2024.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Anong mga Katotohanan ang Itinuturo sa Atin ng 1 Nephi at 2 Nephi tungkol kay Jesucristo?
Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang mga isinulat, sinabi ni Nephi, “At kung maniniwala kayo kay Cristo ay maniniwala kayo sa mga salitang ito, sapagkat ang mga salitang ito ay mga salita ni Cristo” (2 Nephi 33:10). Maraming katotohanan tungkol sa katangian, buhay, at Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang matatagpuan sa mga napag-aralan na natin sa Aklat ni Mormon sa taong ito.
Ang Katangian ni Cristo
-
Siya ay puspos ng pagtitiyaga, kabaitan, at mahabang pagtitiis (tingnan sa 1 Nephi 19:9).
-
Lagi Niya tayong naaalala (tingnan sa 1 Nephi 21:14–16).
-
Inaanyayahan Niya ang lahat na lumapit sa Kanya (tingnan sa 2 Nephi 26:24, 33).
Ang Ministeryo ni Cristo
-
Itinuro Niya ang Kanyang ebanghelyo at pinagaling ang mga maysakit (tingnan sa 1 Nephi 11:24, 27–31).
-
Siya ay nagpakita ng halimbawa ng pagsunod sa pamamagitan ng pagpapabinyag (tingnan sa 1 Nephi 10:9; 2 Nephi 31:7–12).
-
Siya ay ipinako sa krus, inihimlay sa isang libingan, at dinalaw ang mga Nephita matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa 1 Nephi 19:10–11; 2 Nephi 26:1).
Pagbabayad-sala ni Cristo
-
Tinubos Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo (tingnan sa 2 Nephi 2:6–7).
-
Nagsagawa Siya ng “walang hanggang pagbabayad-sala” na dumaig sa pisikal at espirituwal na kamatayan (2 Nephi 9:5–22).
-
Mabibigyan Niya tayo ng lakas kapag nanampalataya tayo sa Kanya at pinipiling magsisi (tingnan sa 2 Nephi 31:13).