“Jakarta, Indonesia” Liahona, Mar. 2024.
Narito ang Simbahan
Jakarta, Indonesia
Noong 1970 ay bininyagan ng unang anim na misyonero ang mga unang miyembro, inorganisa ang unang kongregasyon, at sinimulan ang proseso para sa opisyal na pagkilala sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ilan pang kongregasyon ang binuo, at isang punong-tanggapan ng mission ang inorganisa sa Jakarta noong 1975. Ngayon, ang Simbahan sa Indonesia ay may:
-
7,560 na miyembro (humigit-kumulang)
-
2 stake, 24 na ward at branch, 1 mission
-
1 templo na ibinalitang itatayo (Jakarta)
Paghahanda para sa Templo
Ang mga Wintolo mula sa Tangerang, Indonesia, ay nabuklod bilang pamilya sa Manila Philippines Temple noong 2010. Sabi ni Sister Wintolo, “Napakasaya namin nang ibalita ng ating mahal na propeta na magkakaroon ng templo sa Indonesia. Patuloy kaming mananalangin at ihahanda ang aming sarili para sa presensya ng bahay ng Panginoon sa aming bansa.”
Iba pa tungkol sa Simbahan sa Indonesia
-
Ang pagputok ng bulkan sa Indonesia noong 1815 sa katunayan ay may bahaging ginampanan sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Nagpapaliwanag si Elder Quentin L. Cook.
-
Isang tinedyer mula sa Indonesia na “nagbibigay” ng isang aral tungkol sa pag-asa.
-
Humanga ang dating Relief Society General President na si Linda K. Burton sa matatapat na kababaihan sa Indonesia.
-
Ang awtor na ito mula sa Indonesia ay nagbahagi ng 10 palatandaan na tunay kang nagbalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo.
-
Ang Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas ay makukuha bilang isang set sa wikang Indonesian noong 2010.