Liahona
Ano ang Nangyayari Noong Panahon ni Isaias?
Marso 2024


“Ano ang Nangyayari Noong Panahon ni Isaias?,” Liahona, Mar. 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

2 Nephi 11–19

Ano ang Nangyayari Noong Panahon ni Isaias?

mapang ipinapakita ang mga lugar noong panahon ni Isaias

Nahikayat si Nephi na ibahagi ang marami sa mga salita ng propetang si Isaias. Ang pag-unawa sa heograpikal at pulitikal na konteksto sa likod ng mga propesiya ni Isaias ay makatutulong sa iyo na suriin ang mga simbolong ginamit niya upang magpropesiya tungkol sa kanyang panahon at sa atin.

Ipinapakita ng mapang ito ang mga kaharian sa panahon ni Isaias. Magagamit mo ito para sumabay sa pagbasa habang binabanggit ni Nephi ang sinabi ni Isaias. Maaaring tukuyin ni Isaias ang isang lugar sa iba’t ibang paraan: sa pangalan nito, kabiserang lungsod, pangunahing lipi ni Israel, pinuno ng pulitika, o iba pang mga simbolo. Tingnan ang mga footnote sa mga banal na kasulatan para sa karagdagang kaalaman.

1. Siria

  • Kabisera: Damasco

  • Tinulungan ang Israel na salakayin ang Juda dahil sa hindi pagsali nito sa alyansa laban sa Asiria

  • Pinuno: Resin (tingnan sa 2 Nephi 17:1, 4, 8)

2. Israel

  • Hilagang Kaharian

  • Kabisera: Samaria

  • Pangunahing lipi: Ephraim (tingnan sa 2 Nephi 17:8–9) o ang “mga nawawalang lipi”

  • Pinuno: Peka, anak ni Remalias (tingnan sa 2 Nephi 17:1, 4, 9)

3. Juda

4. Asiria

  • May malakas na hukbo noong panahon ni Isaias

  • Sinakop ang Siria, Israel, at sa huli ang kabuuan ng Juda maliban sa Jerusalem

  • Ikinalat ang sampung lipi

  • Kalaunan ay sinakop ng Babilonia

  • Simbolo ng kapalaluan at pagkalipol ng masasama sa Ikalawang Pagparito (tingnan sa 2 Nephi 20)

5. Babilonia

  • Sinakop ang Asiria at Juda

  • Ipinatapon ang mga Judio mula sa Jerusalem

  • Simbolo ng mundo at ng kasamaan nito