“Paano Ako Matutulungan ng Pagiging Tagapamayapa para Tipunin ang Israel?,” Liahona, Mar. 2024.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Ako Matutulungan ng Pagiging Tagapamayapa para Tipunin ang Israel?
Nakita ni Nephi na ang mga tao sa mga huling araw ay makikipagtalo sa isa’t isa (tingnan sa 2 Nephi 28:3–4, 20), ngunit ang pagtatalo ay hindi ang paraan ng Panginoon. Sa katunayan, upang tipunin ang Israel kailangan nating magkaroon ng “mas dakila at mas banal”1 na paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Kung tapat kayo sa pagtulong na tipunin ang Israel at pagpapatibay ng mga ugnayang mananatili hanggang sa kawalang-hanggan, ngayon ang panahon para isantabi ang pagkapoot. Ngayon ang panahon para tumigil sa paggigiit na kayo lang ang masusunod. Ngayon ang panahon para tumigil sa paggawa ng mga bagay na dahilan para pangilagan kayo sa takot na mapagalit kayo. Ngayon ang panahon para ibaon ang inyong mga sandata ng digmaan. Kung ang inyong pananalita ay puno ng panlalait at paratang, ngayon ang panahon para iwaksi ang mga ito. Kayo ay babangon bilang lalaki o babae ni Cristo na may malakas na espirituwalidad.”2
Mahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang lahat ng anak ng Diyos anuman ang kanilang mga pagkakaiba. Tinatangka ni Satanas na gamitin ang ating mga pagkakaiba upang pagwatak-watakin tayo, ngunit sa pagpili ng kapayapaan sa halip na pagtatalo, lumilikha tayo ng isang kapaligirang malugod na naglalapit sa mga tao sa ipinanumbalik na ebanghelyo ng Panginoon.
Pag-isipan ang mga sumusunod na sitwasyon at pag-isipan ang mga paraan para makatutugon ka nang may pagmamahal: