Liahona
Nangungusap Tayo Tungkol kay Cristo
Marso 2024


“Nangungusap Tayo Tungkol kay Cristo,” Liahona, Mar. 2024.

Para sa mga Magulang

Nangungusap Tayo Tungkol kay Cristo

isang ina at mga anak na nakaupo sa mesa

Placeholder credit line

Mahal na mga Magulang,

Itinuro ni Nephi sa kanyang mga tao kung gaano kahalaga ang unahin ang Panginoon sa ating buhay. Isinulat niya, “Nangungusap tayo tungkol kay Cristo, nagagalak tayo kay Cristo, nangangaral tayo tungkol kay Cristo, nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo, at sumusulat tayo alinsunod sa ating mga propesiya, upang malaman ng ating mga anak kung kanino sila aasa para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan” (2 Nephi 25:26). Maaari ninyong rebyuhin ang sumusunod na mga artikulo kasama ang inyong pamilya para ituro sila at ang iba pang mahal ninyo sa ebanghelyo ni Jesucristo, sa Kanyang patnubay, at sa matalinong mga alituntunin na tutulong sa ating hanapin Siya sa abala at makabagong mundo.

Mga Talakayan Tungkol sa Ebanghelyo

Ang Ebanghelyo ni Jesucristo ay para sa Lahat

Kailangan ng lahat ng tao ang pag-asa at pagtubos na ibinibigay ng ebanghelyo at ng pagbabayad-sala ni Jesucristo. Talakayin sa inyong pamilya ang ilang turo mula sa artikulo ni Elder Jeffrey R. Holland kung paano kayo magmamahal, magbabahagi, at mag-aanyaya sa isang tao na tanggapin at yakapin ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa pahina 4).

Matalinong mga Alituntunin para sa Paggamit ng Media

Ang teknolohiya at media ay mga kasangkapang makatutulong kapag ginamit nang tama. Rebyuhin ang ilang gabay na alituntunin sa pahina 22 at talakayin ang mga pamantayan ng inyong pamilya sa paggamit ng media. Gamit ang “mga tanong na pagninilayan,” isipin kung ano ang magandang nangyayari at kung ano ang mas mapagbubuti.

Pagsunod sa Tagapagligtas nang May Pananampalataya

Sa kanyang artikulo sa pahina 40, nagbahagi si Elder Benjamin M. Z. Tai ng apat na paraan kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas. Matapos rebyuhin ang mga ito kasama ang inyong pamilya, talakayin kung paano kayo natulungan habang sumusunod kayo sa Tagapagligtas nang may pananampalataya.