Liahona
Ano ang Ipinapangako ni Jesucristo na Hindi Maipapangako ng Mundo?
Marso 2024


“Ano ang Ipinapangako ni Jesucristo na Hindi Maipapangako ng Mundo?,” Liahona, Mar. 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

2 Nephi 20–25

Ano ang Ipinapangako ni Jesucristo na Hindi Maipapangako ng Mundo?

sa kaliwa, mga taong nanlalait at nanduduro; sa kanan, ang mga taong nakikinig sa pagtuturo ni Jesus

Detalye mula sa Lehi’s Dream [Panaginip ni Lehi], ni Greg K. Olsen; paglalarawan ng pagtuturo ni Jesus, ni Justin Kunz

Bagama’t maaaring mahirap maunawaan ang mga salita ni Isaias, isang bagay ang malinaw na “ang Babilonia … ay magagaya sa pagkawasak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra” (2 Nephi 23:19) at “masasawi ang masasama” (tingnan sa 2 Nephi 23:22). Bakit kaya pipiliin ng sinuman ang landas ng kasamaan?

Ang pamumuhay sa Babilonia, o sa kasamaan, ay maaaring maging kaakit-akit sa ilan. Maaaring mangako ang Babilonia ng makamundong kasiyahan, ngunit ang ebanghelyo ni Jesucristo ay nangangako ng tunay na kagalakan at walang hanggang kapayapaan.

Sa talahanayang ito, pansinin ang mga pagkakaiba sa kung paano iminumungkahi ng mundo sa atin kung paano tayo dapat mamuhay at kung paano tayo tinuturuan ni Jesucristo na mamuhay. Anong mga pangako ang ibinibigay ng mundo sa pagsunod sa mga turo nito kumpara sa mga pangakong ibinibigay ng Tagapagligtas sa pagsunod sa Kanyang mga turo?

Itinuturo ng mundo

Ipinapangako ng mundo

Itinuturo ni Jesucristo

Ipinapangako ni Jesucristo

Maging mapagmataas at palalo (2 Nephi 23:11)

Maging mapagpakumbaba (3 Nephi 12:3)

Maging hambog (2 Nephi 24:11)

Maging maamo (3 Nephi 12:5)

Magalit (2 Nephi 24:6)

Maging tagapamayapa (3 Nephi 12:9, 22–24)

Hangarin ang iyong sariling kaluwalhatian (2 Nephi 24:13–14)

Hanapin ang kaluwalhatian ng Panginoon (3 Nephi 12:16; 13:13, 33)

Hindi tayo mamamatay kasama ng masasama kung susundin natin si Jesucristo. Sa halip, makatitiyak tayo na si Jesucristo ay “magiging maawain … sa [Kanyang] mga tao” (2 Nephi 23:22).