“Paano Ko Isasama ang Aklat ni Mormon sa Aking mga Tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay?,” Liahona, Mar. 2024.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pasko ng Pagkabuhay
Paano Ko Isasama ang Aklat ni Mormon sa Aking mga Tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay?
Ang Aklat ni Mormon ay nagbibigay ng malakas na patotoo sa katotohanan na nagbangon ang Panginoong Jesucristo. “Tayo bilang mga Banal sa mga Huling araw ay pinagkalooban ng napakagandang kaloob sa Pasko ng Pagkabuhay … ang Aklat ni Mormon.”1
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagdiriwang natin ang Pasko ay dahil sa Pasko ng Pagkabuhay.”2 Katulad ng kung paano binabasa o isinasadula ng ilang pamilya ang kuwento ng Pasko mula sa Lucas 2 sa panahon ng Kapaskuhan, magagamit ng inyong pamilya ang kalakip na aktibidad para gunitain ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas ngayong Pasko ng Pagkabuhay gamit ang 3 Nephi 11:1–17. Ang mga nakalistang awitin ay may kaugnayan sa mga piniling talata, ngunit maaari mo ring piliin ang mga paborito mong himno tungkol kay Jesucristo.
Aktibidad
Kasama ang mga miyembro ng pamilya o kung mag-isa ka man, basahin at awitin ang tungkol sa pagpunta ni Jesucristo sa mga Nephita pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli.
Basahin |
Makinig o Umawit |
“This Is My Beloved Son,” talata 2, Children’s Songbook, 76. | |
“Si Jesus Ba ay Nagbangon?,” Aklat ng mga Awit Pambata, 45. | |
“Easter Hosanna,” Children’s Songbook, 68–69. |