Mga Naunang Edisyon
Mangakong Gawin


Mangakong Gawin

arrow-blue

Paano ako magkakaroon ng progreso araw-araw?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa section na Mangakong Gawin.

Basahin:Bawat linggo, pipili tayo ng “action partner.” Ito ay group member na tutulong sa ating magawa ang mga ipinangako natin. Ang mga action partner ay dapat makipag-ugnayan sa isa’t isa sa buong linggo at ireport ang progreso sa isa’t isa. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o parehong lalake at hindi magkamag-anak.

Praktisin:Pumili ng action partner. Pagpasiyahan kung kailan at paano kayo mag-uusap.

Pangalan ng action partner

Contact information

Basahin nang malakas sa action partner mo ang pangako mo. Mangakong gagawin ang mga ipinangako mo! Lumagda sa ibaba.

ANG AKING MGA PANGAKO

Gagamitin ko ang “me in 30 seconds” sa kahit 20 tao lang.

Bilugan ang mithiin: 20 30 40

Gagawin ko ang alituntunin sa My Foundation na pinag-aaralan ngayon at ituturo ito sa aking pamilya.

Magdadagdag ako sa aking ipon—kahit kaunti lang.

Magrereport ako sa aking action partner.

Ang aking lagda

Lagda ng action partner

Paano ko irereport ang aking progreso?

Panoorin:“Pagkilos at Pangako” (Walang video? Basahin sa pahina 14.)

Basahin:Kapag inirereport natin ang mga pangako natin, mas malamang na tuparin natin ang mga ito. Basahin ang banal na kasulatan sa kanan.

Praktisin:Bago ang susunod na miting, gamitin ang commitment chart na ito para irekord ang iyong progreso. Sa mga kahon sa ibaba, isulat ang “Oo,” “Hindi,” o ang bilang kung ilang beses mong ginawa ang iyong ipinangakong gawin.

Ginamit ang “me in 30 seconds” sa 20 tao (Isulat ang #)

Isinagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

Nagdagdag sa ipon na pera (Oo/Hindi)

Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

Basahin:Alalahanin din na irekord at i-monitor ang sariling gastusin sa likod ng iyong My Path to Self-Reliance booklet.

Sa susunod na miting ng grupo, isusulat ng facilitator ang commitment chart sa pisara (tulad ng nasa itaas). Darating tayo nang 10 minuto bago magsimula ang miting at isusulat ang ating progreso sa chart.

Pumili ng facilitator para sa paksa sa My Foundation sa susunod na miting. Ipabasa sa kanya ang inside front cover ng workbook na ito para malaman kung ano ang ginagawa ng mga facilitator. Kailangang gawin din niya ang ginawa ng facilitator ngayon:

  • Anyayahan ang Espiritu; anyayahan ang mga group member na hangarin ang Espiritu.

  • Magtiwala sa mga materyal; huwag magdagdag; gawin lamang ang sinasabi rito.

  • Pangasiwaan ang oras.

  • Dagdagan ang sigla; magkatuwaan!

Hilingan ang isang tao na magbigay ng pangwakas na panalangin.

Tumatanggap ng Feedback

Mangyaring ipadala ang inyong mga ideya, feedback, mungkahi, at karanasan sa srsfeedback@ldschurch.org.

Paalala sa Facilitator:

Alalahanin din na irehistro ang lahat ng group member sa srs.lds.org/report.

Alalahanin din na gumawa ng mga kopya ng group contact information para sa susunod na miting.