Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-orange

Paano ko maipapakita na ako ang karapat-dapat na piliin kaysa sa iba?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Panoorin:“Ano ang Hinahanap Niya? Part I” (Walang video? Basahin ang pahina 66.)

Talakayin:Ano ang gustong malaman ng employer sa oras ng interbyu o kapag binigyan nila kayo ng application? Paano kung makakatulong ang mga sagot ninyo para maipakita sa employer na kayo ang karapat-dapat na piliin kaysa sa iba?

Basahin: TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko maipapakita na ako ang karapat-dapat na piliin kaysa sa iba?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Magbibigay ng magagandang sagot sa mga tanong sa interbyu at application.

Sa miting na ito, malalaman mo ang pagsagot sa mga tanong sa interbyu at pagkumpleto ng application sa paraang maipapakita mo na karapat-dapat ka kaysa sa iba!

Paano ako maghahanda para sa interbyu?

Basahin:Takot ba tayong mainterbyu? Iniisip ba natin kung ano kaya ang mga itatanong ng interviewer o ano talaga ang gusto nilang malaman?

Ang totoo, puwede nating malaman. Karamihan sa mga interviewer ay nagtatanong ng mga karaniwang tanong. Bilang grupo, magsalitan tayo sa pagbasa ng chart na ito.

MGA KARANIWANG TANONG

ANO ANG MAAARING GUSTONG MARINIG NG INTERVIEWER

MGA TULONG SA PAGSAGOT

Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?

Mahusay ba siyang magsalita? Handa ba siya?

“Me in 30 seconds”

Ano ang iyong mga plano?

Akma ba ang karanasan niya sa trabaho sa mga kailangan natin?

Power statement

Bakit gusto mong magtrabaho sa amin?

Malinaw ba ang mithiin niya?

Power statement

Ano ang masasabi mo sa dati mong boss?

May respeto ba siya sa namumuno?

Power statement

Paano mo hinaharap ang pressure?

Hindi ba niya ipinapasa sa iba ang mga problema?

Power statement

Ano ang inaasahan mong suweldo?

Sapat lang ba ang inaasahan niya?

Sumagot sa pamamagitan ng tanong

Panoorin:“Ano ang Hinahanap Niya? Part II” Ihinto sandali at makibahagi kapag sinabihan. (Walang video? Basahin ang mga pahina 67-68.)

Talakayin:Kailan epektibong gamitin ang “me in 30 seconds” sa interbyu? Kailan epektibong gamitin ang power statements? Nalaman ba ninyo kung paano gawing positibo ang negatibo?

hugis ng mga taong magkakapares
Praktisin:

Sa loob ng anim o pitong minuto gawin ang “mabilisang praktis.”

  • Tumayo at humarap sa isang group member.

  • Isa sa inyo ang employer; magtanong ng karaniwang tanong mula sa chart sa itaas.

  • Ang isa naman ang job seeker; sagutin ang tanong gamit ang inyong mga paraan sa pagsagot.

  • Magpalitan ng role at gawin itong muli. Magbigay sa isa’t isa ng feedback na makakatulong!

  • Kapag pareho na kayong gumanap na employer at job seeker, lumipat sa ibang kapartner. Ulitin ito hanggang sa maubos ang oras.

Patuloy na praktisin ito sa pamilya o mga kaibigan pagkatapos ng miting natin. Tingnan ang chart sa pahina 69 para sa karagdang mga tanong.

Paano ko sasagutin ang tanong sa pamamagitan ng tanong?

Basahin:Paano kung hindi natin masabi ang gustong marinig ng interviewer? O paano kung kailangan pa natin ng dagdag na impormasyon? Kung minsan maaari tayong sumagot sa pamamagitan ng tanong.

Basahin:Tingnan natin ang dalawang karaniwang tanong na ito. Babasahin natin ang bawat tanong at ang impormasyon sa kanan nito.

MGA KARANIWANG TANONG

ANO ANG MAAARING GUSTONG MARINIG NG INTERVIEWER

MGA TULONG SA PAGSAGOT

SUMAGOT SA PAMAMAGITAN NG TANONG

Magkano ang gusto mong suweldo?

Sapat ba ang tiwala niya sa sarili para makipag-negotiate?

Sumagot sa pamamagitan ng tanong

Ano ang karaniwang ipinapasuweldo ninyo sa posisyong ito?

May gusto ka pa bang itanong?

Naiintindihan ba niya ang trabaho?

Sumagot sa pamamagitan ng tanong

Ano ang pinakamagandang mararanasan sa pagtatrabaho rito?

Talakayin:Kailan magandang sumagot sa pamamagitan ng tanong? Kailan ito hindi magandang gawin? Paano mo mapaghahandaang magtanong nang makabuluhan sa interbyu?

Tip:

Alamin kung kailan dapat o hindi dapat magtanong. Huwag masyadong sumagot sa pamamagitan ng tanong.

Maging sensitibo sa nararamdaman ng interviewer. Huwag magpakita ng sobrang pagkaagresibo.

Basahin:Bago ang interbyu, kailangan nating kilalanin kung sino ang employer at maging handang magbigay ng mga makabuluhang tanong. Makakapaghanda rin tayo na magdagdag ng tanong sa “me in 30 seconds” o sa power statement. Halimbawa: “Ano pa pong skill ko ang gusto ninyong sabihin ko?”

Ang magagandang tanong ay hahantong sa magandang pag-uusap!

interview diagram

Ikaw

Talagang interesado ako sa mga produkto ninyo. Paano ninyo ginagawa iyan?

Interviewer

Natutuwa ako’t naitanong mo iyan! Una, gumagamit kami ng mga raw material. Pagkatapos, kami …

OPSYONAL NA AKTIBIDAD: PAANO KO INE-NEGOTIATE ANG TRABAHO NA AKMA SA MGA PANGANGAILANGAN KO?

(HUWAG GAWIN ITO SA ORAS NG MITING).

Kung gusto ninyo, bago ang susunod na miting natin, maaari ninyong gawin ang aktibidad na ito. Isang mahalagang bahagi ng interbyu ang pakikipag-negotiate. Kung gusto pa ninyong matuto, maglaan ng oras na repasuhin ang “Paano Ko Ine-negotiate ang Trabaho na Akma sa mga Pangangailangan ko?” sa mga pahina 70–72 sa section na Mga Resources. Talakayin at praktisin ito sa inyong pamilya.

Ano naman ang dapat na ugali at hitsura ko?

Praktisin:Tumayo ang lahat at sabihin ang mga salitang ito nang tatlong beses:

Iisa lang ang pagkakataon nating mag-iwan ng magandang impresyon!

Talakayin:Ano ang ibig sabihin nito sa inyo kung sinisikap ninyo na “maging karapat-dapat piliin”?

Praktisin:Ilapit ang silya mo para makapagpraktis ka sa isa pang kagrupo mo. Basahin ang chart na ito sa isa’t isa. Isipin kung ano ang dapat mo pang pagbutihin para maiprisinta nang maayos ang sarili.

MGA TIP PARA MAGTAGUMPAY

Pag-uugali

  • Magdasal na mabigyan ng tulong at kapanatagan.

  • Maging magalang.

  • Dumating sa oras.

  • Pagtuunan ng atensyon ang kumpanya at ang interviewer.

  • Ngumiti at maging kalugod-lugod.

  • Kumilos nang may tiwala sa sarili.

  • Magsalita nang malinaw.

Hitsura

  • Maging malinis: mukha, mga kamay, mga kuko.

  • Gumamit ng katamtamang make-up (mga babae).

  • Ayusin nang maayos ang buhok.

  • Maging mabango.

  • Mag-ahit ng balbas (mga lalake).

  • Magmukhang propesyonal.

Pananamit

  • Magsuot ng malinis na damit na walang punit (hindi kailangang mamahalin ang damit).

  • Plantsahin ang damit.

  • Magsuot ng damit na mas maayos kaysa sa gagamitin sa trabahong inaaplayan:

    • Kung pumapasok ka sa trabaho nang nakamaong at naka-T-shirt, magsuot ng slacks at mas maayos na T-shirt o polo shirt.

    • Kung pumapasok ka sa trabaho nang naka-polo shirt, magsuot ng polo at kurbata (para sa mga lalake) o blusa (para sa mga babae).

Paano ako magpi-fill out ng job application?

Basahin:Gusto nating mag-ukol ng maraming oras sa ating mga personal contact at interbyu gamit ang network natin. Pero mas malamang na kakailanganin din nating mag-fill out ng application, sa papel man o nang online. Ang application ay parang interbyu na nakasulat sa papel.

Praktisin:Makigrupo sa dalawang group member. I-fiil out ang application sa kasunod na dalawang pahina. Pagkatapos ay basahin ang sumusunod at talakayin kung paano pagagandahin ang mga application ninyo. Pagkatapos ng miting natin, repasuhin ang mga pahina 73–75.

SECTION PARA SA APPLICATION

ANO ANG HINAHANAP NILA

MGA TOOLS AT TIPS

Personal na Impormasyon

Mayroon bang anumang dahilan para hindi siya maging kwalipikado (tulad ng krimen o iba pang problema)?

Sagutin ang bawat tanong.

Gamitin ang impormasyong mula sa “me in 30 seconds.”

Maging tapat, iwasan ang hindi kailangang detalye.

Edukasyon

Mayroon ba siya ng kailangang training?

Kung maaari, isulat ang lahat ng natamong degree o certificate at simulan sa pinakamataas.

Idagdag ang lahat ng training at certification.

Idagdag ang impormasyon mula sa power statement.

Karanasan sa Pagtatrabaho

Mayroon ba siya ng karanasan sa trabaho na kailangan namin?

Kung maaari, simulan sa pinakahuling pinasukang trabaho.

Iwasang maglagay ng panahong wala kang trabaho o ipaliwanag ito.

Gumamit ng impormasyon mula sa power statement.

Mga Character Reference

May sapat ba akong impormasyon para makontak sila?

Maghanda ng kahit isang reference (humingi ng pahintulot) para sa mapagtatanungan ng pag-uugali mo (katapatan, atbp.) at isa para sa mga skill mo sa trabaho at mga resulta nito.

Mga Award o Recognition

May espesyal na skill o kasanayan ba siya?

Kung maaari, simulan sa pinakaimportante bago isulat ang di gaanong importante.

Idagdag ang impormasyon mula sa power statement.

Pangkalahatan

Maayos at malinis ba ang application?

Sumulat nang malinaw.

Gawin itong magandang tingnan.

JOB APPLICATION FORM
Pangalan:

Petsa:

Address:

Telepono:

Email:

Posisyon:

Gustong Suweldo:

Petsa na maaari nang magtrabaho:

Nakapagtrabaho ka na ba sa kumpanyang ito?

  • Oo

  • Hindi

Petsa:

Kung oo, kailan?

Napatunayan ka na bang maysala sa anumang krimen?

  • Oo

  • Hindi

Petsa:

Kung oo, ipaliwanag:

Edukasyon

Kolehiyo:

Address:

Mula sa:

Hanggang sa:

Naka-graduate ka ba?

  • Oo

  • Hindi

Diploma:

High School:

Address:

Mula sa:

Hanggang sa:

Naka-graduate ka ba?

  • Oo

  • Hindi

Degree:

Mga Character Reference

Buong Pangalan:

Kaugnayan:

Telepono:

Buong Pangalan:

Kaugnayan:

Telepono:

Buong Pangalan:

Kaugnayan:

Telepono:

Mga Dating Trabaho

Posisyon sa Trabaho:

Starting Salary:

Ending Salary:

Mga Responsibilidad:

Mula sa:

Hanggang sa:

Dahilan ng Pag-alis sa Trabaho:

Kumpanya:

Telepono:

Posisyon sa Trabaho:

Starting Salary:

Ending Salary:

Mga Responsibilidad:

Mula sa:

Hanggang sa:

Dahilan ng Pag-alis sa Trabaho:

Kumpanya:

Telepono:

Pinapatunayan ko na ang aking mga sagot ay totoo at kumpleto sa abot ng aking kaalaman.

Kung tatanggapin ako sa trabaho batay sa application na ito, nauunawaan ko na anumang mali o huwad na impormasyong nasa aking application ay magiging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho.

Lagda:

Petsa: