Pag-aralan
Paano ko pabibilisin ang paghahanap ko ng trabaho?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Basahin:Nagkaroon kami ng ilang mabibisang tools sa paghahanap ng trabaho:
-
“Me in 30 seconds”
-
Power statements
-
Gawing positibo ang negatibo
-
Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng tanong
-
Sagutin ang mga karaniwang tanong sa interbyu
-
Sagutan ang mga application
-
Ayusing mabuti ang hitsura at kilos
Sa miting na ito, pag-aaralan natin kung paano gamitin ang lahat ng tools na ito para mas mapabilis ang paghahanap natin ng trabaho!
-
-
Talakayin:Ano ang pakiramdam ninyo ngayon na nasa inyo ang mga tools na makakatulong sa paghahanap ninyo ng trabaho?
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko mapapabilis ang paghahanap ko ng trabaho?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Dadagdagan pa ang aking mga resources, contact, miting o harapang pakikipag-usap.
Siguro may ilan sa grupo natin ang gumagawa na ng Accelerated Job Search. Sa miting na ito pabibilisin natin ang paghahanap ng trabaho.
Araw-araw na Paghahanap ng trabaho
-
Basahin:Ngayon na ang oras para gamitin natin ang lahat ng tools na ito at pabilisin ang paghahanap natin ng trabaho.
-
Panoorin ninyo:“Rafael: Nagkatrabaho Pagkaraan ng 6 na Araw!” (Walang video? Basahin “Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Kuwento tungkol kay Alba” sa pahina 88.)
-
Talakayin:Ano ang nakatulong kina Rafael o Alba na magtagumpay sa Accelerated Job Search?
-
Praktisin:Ang Accelerated Job Search ay mabisang strategy sa araw-araw na paghahanap ng trabaho. Sa ilang lugar na gumamit ng pamamaraang ito, naging 20 araw na lang ang paghahanap ng trabaho sa halip na 200 araw! Kailangan nito ng matindihang pagtatrabaho—mula dalawa hanggang apat na oras kada araw. Kabilang dito ang tatlong bagay na gagawin araw-araw:
-
Tumukoy ng 15 bagong resources.
-
Gumawa ng 10 contact mula sa mga resources na iyon.
-
Magkaroon ng kahit 2 miting o harapang pakikipag-usap o interbyu sa mga contact na iyon.
-
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Resources” (Walang video? Basahin ang pahina 88.)
-
Praktisin:Simulang punan ngayon ang table sa kasunod na pahina sa paglista ng lahat ng alam mong resources sa unang column. Ang mga ito ay mga tao, lugar, at mga bagay na may impormasyong makakatulong sa iyo! May ibinigay na ilang halimbawa. Magdagdag pa bago ang susunod na miting natin at isulat sa form sa pahina 91. Gumawa ng mga kopya ng blank form habang patuloy kang nagdadagdag sa listahan.
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Contact” (Walang video? basahin ang pahina 89.)
-
Praktisin:Ngayon, sa kasunod na pahina, maglista ng maraming tao hangga’t maaari na makokontak mo bago ang susunod na miting natin. Tandaan—huwag mahiya. Humanap ng paraan na makagawa ng 10 contact kada araw!
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Miting (harapang pag-uusap)” (Walang video? Basahin ang pahina 89.)
-
Basahin:Ngayon, sa kasunod na pahina, gamitin ang papel ninyo sa paglista ng maraming tao hangga’t maaari na makakausap ninyo nang harapan bago ang susunod na miting. Isipin kung kailan at saan mo sila puwedeng makausap. Huwag kalimutang gamitin ang iyong “me in 30 seconds” kada miting.
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Pinagsama-sama ang Lahat” (Walang video? Basahin ang pahina 90.)
-
Praktisin:Ngayon, tingnan mo ang table sa kasunod na pahina. Ano ang una mong gagawin? pangalawa? pangatlo? Planuhing makahanap ng mga resources, magkaroon ng mga contact, at makipag-usap nang harapan araw-araw. Magpasiya kung kailan mo gagawin ang mga bagay na ito at magpatulong sa kapamilya o sa action partner mo. Ipagdasal sa Panginoon na gabayan ka.
Mga Resources, Contacts, at Meetings Form
MGA RESOURCES (gumawa ng listahan)
MGA CONTACT (phone, email)
MGA MITING (harapang pag-uusap)
Internet sites
Mga miyembro ng Quorum o Relief Society
Mga potential employer
Mga pahayagan
Mga taong nakatrabaho mo
Home teacher, mga
Mga placement services
Mga Guro
Mga miyembro ng Simbahan
Self-reliance center
Mga taong nakilala mo sa tindahan
Accelerated Job Search Tracking Form
-
Basahin:Heto ang halimbawa ng Accelerated Job Search Tracking Form. Irekord at i-monitor ang iyong mga resources, contact, at miting sa form sa pahina 92. Gumawa ng mga kopya para sa loob ng maraming linggo kung kailangan.
(Lagyan ng tsek ang mga kahon at magdagdag ng mga tala. Ipakita ang kabuuang bilang kada araw.)
Araw 1
Mga Resources: ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 15
Mga Contact: ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 10
Mga Interbyu: ☑ ☑ ☐ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 2
Mga Tala:
May nakuha nang cashier. Subukan ko raw sa pamilihan. Baka nagha-hire sila.
Araw 2
Mga Resources: ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 15
Mga Contact: ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☐ ☐ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 8
Mga Interbyu: ☑ ☑ ☐ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 2
Mga Tala:
Hindi makakausap si Jose ngayon. Bumalik na lang daw ako sa Huwebes.
Araw 3
Mga Resources: ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☐ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 14
Mga Contact: ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☑ ☐
Kabuuang Bilang Kada Araw 10
Mga Interbyu: ☑ ☑ ☑ ☐
Mga Tala:
I-fill out ang job application mula kay Maria sa pamilihan.