Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nilang gawin.

  • Ihanda ang mga materyal sa miting. Wala ka bang mga aklat o video? Makukuha mo ang mga iyan online sa srs.lds.org.

30 minuto bago magmiting:

  • Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit lahat.

  • Isulat ang commitment chart na ito sa pisara na may mga pangalan ng mga tao sa iyong grupo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).

    Pangalan ng group member

    Ginamit ang “me in 30 seconds” sa kahit 20 tao lang (Isulat ang #)

    Isinagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

    Nagdagdag sa ipon na pera (Oo/Hindi)

    Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

    Gloria

    28

    Oo

    Oo

    Oo

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga tao pagdating nila.

  • Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.

  • Mag-assign ng timekeeper.

Sa pagsisimula:

  • Magpamigay ng mga kopya ng contact information ng mga group member (mula sa huling miting).

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone o iba pang device.

  • Magsimula sa panalangin (at himno, kung nais ninyo).

  • Tahimik na sabihin sa mga huling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Gawin ang alituntunin 2 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.