Mga Resources
Accelerated Job Search (Opsyonal na aktibidad)
Pag-aralan at isagawa ang mga materyal na ito para mapabilis ang paghahanap mo ng trabaho! Magagawa mo ito kasama ang iyong pamilya, kagrupo, o isa pang kaibigan o mentor.
-
Panoorin:“Rafael: Nagkatrabaho Pagkaraan nang 6 na Araw!” (Para mapanood ang video, magpunta sa srs.lds.org.)
-
Talakayin:Ano ang nakatulong kay Rafael na makahanap ng trabaho?
-
Basahin:Ang Accelerated Job Search ay mabisang strategy sa araw-araw na paghahanap ng trabaho. Sa ilang lugar na gumagamit ng pamamaraang ito, naging 20 araw na lang ang paghahanap ng trabaho sa halip na 200 araw! Kailangan dito ang matinding pagsisikap. Kabilang dito ang tatlong bagay na gagawin araw-araw:
-
Tumukoy ng 15 bagong resources.
-
Magkaroon ng 10 contact.
-
Magkaroon ng 2 personal o harapang miting o interbyu.
-
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Resources” (Para mapanood ang video, magpunta sa srs.lds.org, o basahin ang sumusunod.)
-
Sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, itinuro sa atin na “ang mga tao ay nararapat na maging sabik sa paggawa ng mabuting bagay, at gumawa ng maraming bagay sa kanilang sariling kalooban. … Sapagkat ang kapangyarihan ay nasa kanila, kung saan sila ay kinatawan ng kanilang sarili.” At ang utos na ito ay may kasamang pangako: “At yayamang ang tao ay gumagawa nang mabuti hindi mawawala sa kanila ang kanilang gantimpala” (D at T 58:27–28).
-
Nauunawaan ng mahuhusay humanap ng trabaho na “ang kapangyarihan ay nasa kanila,” at tutulungan sila ng Diyos kung sila ay “sabik sa paggawa.” Tatalakayin natin ang strategy na subok nang mabisa sa paghahanap ng trabaho sa tatlong bahagi. Ang tawag dito ay Accelerated Job Search.
-
Una, ang matatagumpay na nakakahanap ng trabaho ay nakakapagtukoy ng 15 bagong resources araw-araw. Pangalawa, nagkakaroon sila ng 10 contact kada araw. At pangatlo, mayroon silang kahit 2 harapang pakikipag-usap o interbyu kada araw.
-
Sa una, parang mahirap gawin ang Accelerated Job Search. Pero habang tinatalakay natin ang bawat aspeto, makikita mo na talaga palang posibleng mangyari ito—at epektibo!
-
Magsimula tayo sa mga resources. Ano ang resource? Ang resource ay tao, lugar, o bagay na makakatulong sa job seeker na magkaroon ng oportunidad.
-
Ang mga tao ay maaaring mga kaibigan at pamilya, mga miyembro at lider ng Simbahan, employer o kasamahan sa trabaho, guro sa paaralan at career counselor, mga empleyado sa tindahan—halos lahat ng puwedeng makapagbigay sa iyo ng makakatulong na impormasyon at karagdagang resources na may kinalaman sa trabaho.
-
Ang mga lugar ay maaaring chambers of commerce, mga lokal na ministry of employment, at mga samahang pangmamamayan o pang propesyonal. Bawat isa sa mga ito ay nagbibigay ng impormasyon na makakatulong.
-
At kabilang sa mga bagay na makapagpapabilis ng paghahanap ay ang mga business at telephone directory, mga web page ng kumpanya, ang Internet, mga trade journal at magasin, pahayagan, at iba pang mga media outlet.
-
Maglista ng kahit 15 nito araw-araw!
-
-
Praktisin:Gumawa ng tatlong column sa isang papel. Isulat ang “Mga Resources,” “Mga Contact,” at “Mga Miting” sa itaas ng mga column. Punan na ngayon ang papel na ito ng pinakamaraming resources na maisusulat mo sa unang column. Ang mga ito ay mga tao, lugar, at mga bagay na may impormasyong makakatulong sa iyo! Narito ang ilang halimbawa. Pupunan mo ang iba pang column kalaunan.
MGA RESOURCES (gumawa ng listahan)
MGA CONTACT (telepono, email)
MGA MITING (harapang pag-uusap)
Internet sites
Mga miyembro ng Quorum o Relief Society
Mga potential employer
Mga pahayagan
Mga taong nakatrabaho mo
Mga home teacher
Trabaho
Mga guro
Mga miyembro ng Simbahan
Self-reliance center
Mga taong nakilala mo sa tindahan
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Contact” (Para makita ang video, magpunta sa srs.lds.org, o basahin ang sumusunod.)
-
Ngayon, pag-usapan natin ang mga contact. Ang contact ay hindi lang pagpapadala ng résumé o pag-fill-out ng application. Sa lahat ng mga resources na natukoy mo, kailangan mo ng 10 contact na may kinalaman sa trabaho.
-
Ang mga contact ay kinabibilangan ng anumang pakikipag-ugnayan mo sa mga tao na may kinalaman sa trabaho: pag-apply ng trabaho; pagpapadala ng résumé o thank-you note; pagsasabi sa mga kaibigan, pamilya, at mga miyembro ng Simbahan na naghahanap ka ng trabaho—makakatulong ang mga text message o email. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iba pang mga networking contact at, siyempre, sa mga potential employer. Humanap ng iba’t ibang oportunidad na makaugnayan ang mga tao at ipaalam sa kanila na naghahanap ka ng trabaho. Karamihan sa mga tao ay matutuwang ipakilala ka sa ibang kakilala nila. Ang mga koneksyong ito ay humahantong sa mga interbyu, na humahantong sa mga trabaho!
-
-
Praktisin:Ngayon, gamitin ang papel mo sa paglista ng maraming tao hangga’t maaari na makokontak mo bago ang susunod na miting. Tandaan—huwag mahiya. Humanap ng paraan na makagawa ng 10 kada araw!
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Miting” (Para makita ang video, magpunta sa srs.lds.org, o basahin ang sumusunod.)
-
Sa huli, natutuhan ng mahuhusay humanap ng trabaho na mahalaga na talagang may makausap na kahit dalawang tao, nang harapan, kada araw. Maaaring ito ang pinakamahalaga mong magagawa sa bawat araw. Bakit? Kapag nagmimiting o nag-iinterbyu nang harapan mas nakakapag-usap at nagkakaunawaan. Ang mga tao ay kadalasang “nagsasalita” sa pamamagitan ng galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha. At ang mga mensaheng ito na di-berbal ay hindi naipaparating sa pamamagitan ng email o telepono. Sa personal, makikita at madarama ng mga tao kung gaano kayo kahusay!
-
Gayundin, kapag personal o harapan kayong nag-uusap kadalasang nakikita at napapakiramdaman mo ang kapaligiran na maaari mong pagtrabahuhan. Maoobserbahan mo kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao, kung gaano sila kabait o kasaya, ang tagumpay ng organisasyon, anong mga pangangailangan at oportunidad ang naroon, at kung paano mo tutugunan ang mga pangangailangang iyon. Anumang uri ng interbyu ay napakagandang pagkakataon!
-
Ngayon, hindi lahat ng dapat kausapin nang harapan araw-araw ay mga potential employer. Maaari ka ring makipag-usap sa iba pang mga contact, kabilang na ang mga kaibigan, pamilya, at mga kaibigan ng mga kaibigan mo, pati na rin mga secretary, teacher, counselor, o ibang tao na nasa linya ng trabahong gusto mo. Basta makipag-usap sa mga tao! Sabihin sa kanila ang iyong “me in 30 seconds” at itanong sa huli kung may alam silang mapapasukan mo ng trabaho at kung may maipapakilala sila sa iyo na maaaring magbigay sa iyo ng trabaho. Ipagpatuloy lang ang pagsisikap, pagpapabatid ng magandang katangian mo, at paghingi ng tulong at payo. Napakaganda ng mga susunod na mangyayari!
-
Ito ang Accelerated Job Search! Bawat araw, kung makakapaglista ka ng 15 resources at magkakaroon ng 10 contact, magiging madali na ang harapang pag-uusap. Magugulat ka kung gaano nito napabibilis ang paghahanap mo ng trabaho! Gawin ito nang may malakas na pananampalataya, at mabubuksan sa iyo ang mga oportunidad na di mo sukat akalain.
-
-
Praktisin:Ngayon, gamitin ang papel mo sa paglista ng maraming tao hangga’t maaari na makakausap mo nang harapan bago ang susunod na miting. Isipin kung kailan at saan mo sila puwedeng makausap. Huwag kalimutang gamitin ang iyong “me in 30 seconds” kada miting.
-
Panoorin:“Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Pinagsama-sama ang Lahat” (Para mapanood ang video, magpunta sa srs.lds.org, o basahin ang sumusunod.)
-
Ang tatlong bahagi ng Accelerated Job Search ay hindi magkakahiwalay na aktibidad. Kapag kumilos ka, makikita mo na may mga resources kahit saan. Simulan ang bawat araw sa pagdaragdag sa iyong listahan. At kapag ginawa mo ito, iisipin mo ang mga paraan na makontak ang mga tao, at ang mga pagkontak na ito ay kusang hahantong sa mga pag-uusap.
-
Ang self-reliance group ay malaking mapagkukunan ng mga resources, contacts, at mga miting. Gayundin ang mga miyembro ng Simbahan, kapitbahay, o kasamahan sa trabaho. Patuloy na magdagdag ng mga resources habang kinakausap mo ang mga contact mo. Humingi ng iba pang mga contact kapag may nakausap ka nang personal. Humiling pa na mainterbyu para sa trabaho sa sinumang makilala mo.
-
Gamitin ang iyong “me in 30 seconds” statement. Ang Accelerated Job Search ay posibleng mangyari, at masaya ito kapag sinimulan mo na. Kaya huwag nang patagalin pa. Kausapin ang puwede mong kausapin. Laging hingin ang gabay ng Espiritu Santo at manatiling karapat-dapat. Panatilihing updated ang rekord at mag-follow up. Sa pagkilos mo, ipapakita sa iyo ng Panginoon ang daan.
-
-
Praktisin:Ngayon tingnan ang iyong papel. Ano ang gagawin mo? Planuhing makahanap ng mga resources, magkaroon ng mga contact, at makipag-usap nang harapan araw-araw. Magpasiya kung kailan mo gagawin ito, at magpatulong sa pamilya o sa action partner mo.
Irekord at i-monitor ang progreso mo sa chart sa kasunod na pahina. Irekord at i-monitor ang mga contact mo sa Contact Follow-Up Form sa pahina 20. Gumawa ng maraming kopya.
Accelerated Job Search Tracking Form
Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag natapos mo ang bawat aksyon at magdagdag ng tala.
ARAW 1 | |
---|---|
Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Miting:☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Tala: |
ARAW 2 | |
---|---|
Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Miting:☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Tala: |
ARAW 3 | |
---|---|
Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Miting:☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Tala: |
ARAW 4 | |
---|---|
Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Miting:☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Tala: |
ARAW 5 | |
---|---|
Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Miting:☐ ☐ |
Kabuuang Bilang Kada Araw |
Mga Tala: |
Contact Follow-Up Form
Contact
Tao o organisasyon:
Telepono:
Address:
Email:
Ni-refer ako ni:
Kinontak ko ang taong ito
-
Oo
-
Hindi
Petsa:
Mga bagay na tinalakay:
1.
2.
3.
Mga ginawang follow-up:
1.
Makukumpleto sa (petsa):
2.
Makukumpleto sa (petsa):
3.
Makukumpleto sa (petsa):
Mga bagong referral:
1. Pangalan:
Telepono:
Fax:
Email:
Address:
2. Pangalan:
Telepono:
Fax:
Email:
Address: