Pag-aralan
Paano ko maipapakita na may tiwala ako sa aking sarili?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Panoorin:“Ang Interbyu” (Walang video? Basahin ang pahina 32.)
-
Talakayin:Sa palagay ba ninyo natanggap sa trabaho ang mga taong ito?
Alam ninyong hindi maganda ang naging sagot sa mga tanong sa interbyu kapag narinig ninyo ito! Pero nahihirapan ba kayo kung minsan na magbigay ng magagandang sagot sa interbyu?
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko maipapakita na may tiwala ako sa aking sarili?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Maghahanda at gagamit ng power statements sa mga contact ko.
-
Basahin:Sa huling miting natin, tinalakay natin kung paano makakakuha ng pansin ang ating “me in 30 seconds” bilang pagpapakilala. Ang susunod nating hakbang ay magdagdag ng “power statements,” na magpapakita ng mga katangian natin sa mga employer at sa iba.
Ang power statements ay nagpapaganda ng resume at interbyu. Tinutulungan tayo nito na makausap ang ating network o grupo ng mga kakilala natin. Matutulungan pa tayo nito na manatili sa trabaho at magtagumpay.
Basahin natin ang apat na mahalagang bahagi ng power statement.
Paano ako makakagawa ng power statement?
-
Basahin:Si Victoria ay humiling na makausap nang limang minuto ang isang potential employer. Nang tanungin ng employer ang kanyang marketing experience, ginamit niya ang isa sa kanyang power statements.
-
Talakayin:Paano makakatulong kay Victoria ang statement na ito sa paghahanap niya ng trabaho?
-
Basahin:Narito ang ilan pang halimbawa ng power statement para sa isang returned missionary, may-ari ng maliit na negosyo, at isang ina—na naghahanap lahat ng trabaho. Basahin ang mga ito. Pansinin kung paano nagkakaugnay ang apat na bahaging ito.
1. SKILL O KASANAYAN
2. HALIMBAWA (maging partikular)
3. MGA RESULTA (Maging partikular)
4. AKMA SA MGA KAILANGAN
Kaya kong magpalakas at maghikayat ng mga grupo.
Halimbawa, bilang full-time volunteer para sa aming simbahan, naatasan akong pamunuan ang grupo ng walong volunteer na hindi nagkakaisa at hindi nakakamit ang mga mithiin.
Kaya nagdaos ako ng mga training at tinulungan silang pahalagahan ang isa’t isa, magtakda ng mga mithiih, at kamtin ang mga mithiing iyon.
Makakatulong ako na magkaroon ng pagkakaisa ang mga tauhan ninyo at higitan pa ang mga mithiin ninyo.
May karanasan ako sa paglutas ng mga problema.
Halimbawa, sa negosyo ng pamilya namin, hindi kami sigurado sa mga gastusin namin. Nagpasiya akong gumawa ng mas maayos na rekord at i-monitor ang araw-araw na gastusin.
Dahil sa pagmonitor ko ng mga rekord, napatunayan namin na may supplier na nagdadagdag ng presyo sa bawat invoice nang hindi sinasabi sa amin.
Gagamitin ko ang kasanayan kong ito sa paglutas ng problema sa anumang hamon na maaaring makaharap ninyo, at nakakatiyak ako na makakahanap ako ng magandang sagot.
Kaya kong mag-organisa.
Halimbawa, bilang ina, nakokoordina ko ang mga gawain ng tatlong anak ko sa eskwela at sa bahay.
Sa pag-aasikaso ng mga iskedyul na ito, sinisiguro ko na maayos na nakukumpleto ng bawat bata ang gawain niya sa eskwela at sa bahay.
Magagamit ko ang management skills ko na ito sa pag-aayos ng mga iskedyul ng inyong kumpanya para masigurong nagagawa lahat ang mga appointment ninyo.
-
Praktisin:Gamitin ang pahinang ito sa paggawa ng power statements. Simulang isulat ito ngayon sa mga espasyo. Puwede kang makipagtulungan sa isa pang group member.
1. SKILL O KASANAYAN
2. HALIMBAWA (Maging partikular)
3. MGA RESULTA (Maging partikular)
4. AKMA SA MGA KAILANGAN
-
Praktisin:Matapos kang makagawa ng kahit dalawang power statement, halinhinang sabihin ang mga ito sa iba pang kagrupo. Sabihin ang mga ito nang malakas hanggang sa may kumpiyansa ka na. Bago ang susunod na miting natin, gumawa ng kahit limang power statements.
-
Basahin:Maaari kang magsimula sa “me in 30 seconds” kapag kausap mo ang isang tao tungkol sa trabaho. Maaaring ito ay isang employer o isang taong hiningan mo ng tulong. Maaaring tanungin ka ng taong ito ng ilang karaniwang tanong. Kailangan mo ng power statements sa pagsagot sa mga tanong na ito. Ipaparinig mo ang iyong power statements sa maraming tao bago ang susunod na miting natin.
-
Praktisin:Bilang grupo, basahin ang mga instruksiyon. Matapos mabasa ang mga instruksiyon, simulan ang aktibidad. Huwag lumampas nang 10 minuto.
-
Tumayo ang lahat at lumipat sa maluwang na espasyo para sa mabilisang praktis. Dapat may kaharap na isang tao ang bawat isa.
-
Magtatanong ang unang tao ng karaniwang tanong, tulad ng:
-
Ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa sarili mo?
-
Bakit dapat ka naming tanggapin sa trabaho?
-
Ano ang pinakamatindi mong strength o katangian?
-
Ano ang dapat kong sabihin tungkol sa iyo sa mga kakilala ko?
-
-
Sasagot ang pangalawang tao gamit ang power statement.
-
Pagkatapos ay magpalitan kayo. Ang pangalawang tao ay magtatanong ng isa pang karaniwang tanong, at ang unang tao ay sasagot gamit ang power statement.
-
Bigyan kaagad ng feedback ang isa’t isa: Naroon ba lahat ang apat na bahagi? Mukha bang tapat at kapani-paniwala ito?
-
Pagkatapos ay magpalitang muli ng partner at gawin itong muli. At muli!
-
Mabilis na gawin ito hanggang sa makakaya ninyo para masubukan ito ng lahat nang apat na beses.
-
-
Talakayin:Gumamit ba kayo ng power statements sa pagsagot sa mga tanong? Ano ang ilan pang tanong na kahalintulad nito? Ano ang iba pang posibleng itanong ng mga nag-iinterbyu?
OPSYONAL NA AKTIBIDAD: PAANO KO MAGAGAWANG POSITIBO ANG NEGATIBO? |
---|
(HUWAG GAWIN ITO SA ORAS NG MITING.) |
Kung gusto mo, maaari mong gawin ang aktibidad na ito sa buong linggo: |
Magagamit mo ang power statements para maging magandang oportunidad ang mga negatibong tanong at sitwasyon. Pag-aralan ang pahina 33 sa Mga Resources. |
Saan ako gagamit ng power statements?
-
Basahin:Sa bago nating power statements at sa ating “me in 30 seconds,” may mahuhusay na tayong tools. Pero paano tayo makakahanap ng mga taong makikinig? Ang dapat gawin ay kausapin ang lahat ng dapat kausapin. Pagkatapos ay hilingin sa kanila na kausapin ang kanilang mga contact. Ito ay “network,” at para kang bumubuo ng sarili mong sales team!
-
Praktisin:Ilapit ang silya mo para makausap ang katabi mo.
-
Pag-usapan ang mga taong kakausapin ninyo para paggamitan ng inyong “me in 30 seconds” at power statements bago ang susunod na miting natin. Ilista ang ilan sa mga pangalan dito:
-
Pag-usapan kung paano ninyo palalakihin ang network ninyo para mas marami kayong contact. Isulat ang iyong mga ideya rito:
-
-
Praktisin:Bago ang susunod na miting, gagamitin mo ang iyong power statements sa mga contact na kilala mo. At hihilingin mo sa iyong mga kakilala na kausapin ang kanilang mga contact. Sa iyong “me in 30 seconds” at power statements, may dalawa ka nang mahusay na mga tools na magagamit para makapagbuo ng iyong network. Unti-unti nang nagkakaresulta ang paghahanap mo ng trabaho!
OPSYONAL NA AKTIBIDAD: ACCELERATED JOB SEARCH |
---|
(HUWAG GAWIN ITO SA ORAS NG MITING.) |
Kung gusto ninyo, maaari ninyong gawin ito bago ang susunod na miting natin: |
Para mas mapabilis pa ang iyong ginagawa, pag-aralan ang “Accelerated Job Search” sa pahina 15. Subukan ito—15 resources, 10 contact, 2 miting—araw-araw! |