Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Araw-Araw na Paghahanap ng Trabaho: Kuwento tungkol kay Alba

Pumili ng isang magbabasa ng sumusunod.

Dahil wala akong trabaho, naging desperado ako at dumating sa puntong wala na ni katiting na pag-asa, at ang Ama ko sa Langit na lang ang makakatulong sa akin. Ipinaramdam Niya sa isang tao na bisitahin ako at yayain sa self-reliance center, kung saan may sinisimulan sila na job search program na tinatawag na Accelerated Job Search. Isa itong strategy na nagtuturo kung paano mabilis na makakahanap ng trabaho. Ang laking blessing!

Dahil dito, nakita ko ang mga resources na naging daan para magkaroon ako ng permanenteng trabaho sa isang malaking ahensya ng gobyerno. Natanggap ako bilang tagapamahala ng communications department. Wala akong alinlangan na naging posible ito dahil sinagot ng Diyos ang mga dasal ko.

Bumalik sa pahina 81

Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Resources

Magsalitan sa pagbasa ng sumusunod.

Sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, itinuro sa atin na “ang mga tao ay nararapat na maging sabik sa paggawa ng mabuting bagay, at gumawa ng maraming bagay sa kanilang sariling kalooban. … Sapagkat ang kapangyarihan ay nasa kanila, kung saan sila ay kinatawan ng kanilang sarili.” At ang utos na ito ay may kasamang pangako: “At yayamang ang tao ay gumagawa nang mabuti hindi mawawala sa kanila ang kanilang gantimpala” (D at T 58:27–28).

Nauunawaan ng mahuhusay humanap ng trabaho na “ang kapangyarihan ay nasa kanila,” at tutulungan sila ng Diyos kung sila ay “sabik sa paggawa.” Tatalakayin natin ang strategy na subok nang mabisa sa paghahanap ng trabaho sa tatlong bahagi. Ang tawag dito ay Accelerated Job Search.

Una, ang matatagumpay na nakakahanap ng trabaho ay nakakapagtukoy ng 15 bagong resources kada araw. Pangalawa, nagkakaroon sila ng 10 contact kada araw. At pangatlo, mayroon silang kahit 2 harapang pakikipag-usap o interbyu kada araw.

Sa una, parang mahirap gawin ang Accelerated Job Search. Pero habang tinatalakay natin ang bawat aspeto, makikita ninyo na talaga palang posibleng mangyari ito—at epektibo!

Magsimula tayo sa mga resources. Ano ang resource? Ang resource ay tao, lugar, o bagay na makakatulong sa job seeker na magkaroon ng oportunidad.

Ang mga tao ay maaaring mga kaibigan at pamilya, mga miyembro at lider ng Simbahan, employer o kasamahan sa trabaho, guro sa paaralan at career counselor, mga empleyado sa tindahan—halos lahat ng puwedeng makapagbigay sa inyo ng makakatulong na impormasyon at karagdagang resources na may kinalaman sa trabaho.

Ang mga lugar ay maaaring chambers of commerce, mga lokal na ministry of employment, at mga samahang pangmamamayan o pang propesyonal. Bawat isa sa mga ito ay nagbibigay ng impormasyon na makakatulong.

At kabilang sa mga bagay na makapagpapabilis ng inyong paghahanap ay ang mga business at telephone directory, mga web page ng kumpanya, ang Internet, mga trade journal at magasin, pahayagan, at iba pang mga media outlet.

Maglista ng kahit 15 lang sa mga ito araw-araw!

Bumalik sa pahina 82

(Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Contact

Magsalitan sa pagbasa ng sumusunod.

Pag-usapan natin ngayon ang tungkol sa mga contact. Ang contact ay hindi lang pagpapadala ng resume o pag-fill out ng application. Sa lahat ng mga resources na natukoy ninyo, kailangan lang ninyo ng 10 contact na may kinalaman sa trabaho.

Ang mga contact ay kinabibilangan ng anumang pakikipag-ugnayan ninyo sa mga tao na may kinalaman sa trabaho: pag-a-apply ng trabaho; pagpapadala ng résumé o thank-you note; pagsasabi sa mga kaibigan, pamilya, at mga miyembro ng Simbahan na naghahanap kayo ng trabaho—makakatulong ang mga text message o email. Maaari din kayong makipag-ugnayan sa iba pang mga networking contact at, siyempre, sa mga potential employer. Humanap ng iba’t ibang oportunidad na makaugnayan ang mga tao at ipaalam sa kanila na naghahanap kayo ng trabaho. Karamihan sa mga tao ay matutuwang ipakilala kayo sa ibang kakilala nila. Ang mga koneksyong ito ay humahantong sa mga interbyu, na humahantong sa mga trabaho!

Bumalik pahina 82

Araw-araw na Paghahanap ng Trabaho: Mga Miting/Harapang Pakikipag-usap

Magsalitan sa pagbasa ng sumusunod.

Sa huli, natutuhan ng mahuhusay humanap ng trabaho na mahalaga na talagang may makausap na kahit dalawang tao, nang harapan, kada araw. Maaaring ito ang pinakamahalaga ninyong magagawa sa bawat araw. Bakit? Kapag nagmimiting o nag-iinterbyu nang harapan mas nakakapag-usap at nagkakaunawaan. Ang mga tao ay kadalasang “nagsasalita” sa pamamagitan ng galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha. At ang mga mensaheng ito na di-berbal ay hindi naipaparating sa pamamagitan ng email o telepono. Sa personal, makikita at madarama ng mga tao kung gaano kayo kahusay!

Gayundin, kapag personal o harapan kayong nag-uusap kadalasang nakikita at napapakiramdaman ninyo ang kapaligiran na maaari ninyong pagtrabahuhan. Nakikita ninyo kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao at kung gaano sila mapalakaibigan o gaano kasaya, ano ang mga kailangan o oportunidad ang naroroon, at kung paano kayo makakaakma sa mga kailangang iyon. Anumang uri ng interbyu ay napakagandang pagkakataon!

Ngayon, hindi lahat ng harapang pakikipag-usap araw-araw ay sa mga potential employer. Maaari din kayong makipag-usap sa iba pang mga contact, kabilang na ang mga kaibigan, pamilya, at mga kaibigan ng mga kaibigan ninyo, pati na rin mga secretary, teacher, counselor, o ibang tao na nasa linya ng trabahong gusto ninyo. Basta makipag-usap lang sa mga tao! Sabihin sa kanila ang inyong “me in 30 seconds” at itanong sa huli kung may alam silang mapapasukan ninyo ng trabaho at kung may maipapakilala sila sa inyo na maaaring magbigay sa inyo ng trabaho. Ipagpatuloy lang ang pagsisikap, pagpapabatid ng magandang katangian ninyo, at paghingi ng tulong at payo. Napakaganda ng mga susunod na mangyayari!

Ito ang Accelerated Job Search o Pinabilis na Paghahanap ng Trabaho! Bawat araw, kung makakapaglista kayo ng 15 resources at magkakaroon ng 10 contact, magiging madali na ang harapang pag-uusap. Magugulat kayo kung gaano nito napabibilis ang paghahanap ninyo ng trabaho! Gawin ito nang may malakas na pananampalataya, at mabubuksan sa inyo ang mga oportunidad na di ninyo sukat akalain.

Bumalik sa pahina 82

Araw-Araw na Paghahanap ng Trabaho: Pinagsama-sama ang Lahat

Magsalitan sa pagbasa ng sumusunod.

Ang tatlong bahagi ng Accelerated Job Search ay hindi magkakahiwalay na aktibidad. Kapag kumilos kayo, makikita ninyo na may mga resources kahit saan. Simulan ang bawat araw sa pagdaragdag sa inyong listahan. At kapag ginawa ninyo ito, mag-iisip kayo ng mga paraan na makontak ang mga tao, at ang pagkontak ay kadalasang nauuwi sa pag-uusap.

Ang self-reliance group ay malaking mapagkukunan ng mga resources, contacts, at mga miting. Gayundin ang mga miyembro ng Simbahan, kapitbahay, o kasamahan sa trabaho. Patuloy na magdagdag ng mga resources habang kinakausap ninyo ang mga contact ninyo. Humingi ng iba pang mga contact kapag may nakausap ka nang personal. Humiling pa na mainterbyu para sa trabaho sa sinumang makilala ninyo.

Gamitin ang inyong “me in 30 seconds.” Ang Accelerated Job Search ay posibleng mangyari, at masaya ito kapag sinimulan na. Kaya huwag nang patagalin pa. Kausapin ang puwede ninyong makausap. Laging hingin ang gabay ng Espiritu Santo at manatiling karapat-dapat. Panatilihing updated ang rekord at mag-follow up. Kapag kumilos kayo, ipapakita sa inyo ng Panginoon ang daan.

Bumalik sa pahina 82

Mga Resources, Contacts, at Meetings Form

MGA RESOURCES (gumawa ng listahan)

MGA CONTACT (phone, email)

MGA MITING (harapang pag-uusap)

Accelerated Job Search Tracking Form

Lagyan ng tsek ang mga kahon at magdagdag ng mga tala. Ipakita ang kabuuang bilang kada araw.

Araw 1

Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Miting: ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Tala:

Araw 2

Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Miting: ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Tala:

ARAW 3

Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Miting: ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Tala:

Araw 4

Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Miting: ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Tala:

Araw 5

Mga Resources: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Contact: ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Miting: ☐ ☐ ☐ ☐

Kabuuang Bilang Kada Araw

Mga Tala:

Contact Follow-Up Form
Contact

Tao o organisasyon:

Telepono:

Address:

Email:

Ni-refer ako ni:

Kinontak ko ang taong ito

  • Oo

  • Hindi

Petsa:

Mga bagay na tinalakay:

1.

2.

3.

Mga ginawang follow-up:

1.

Makukumpleto sa (petsa):

2.

Makukumpleto sa (petsa):

3.

Makukumpleto sa (petsa):

Mga bagong referral:

1. Pangalan:

Telepono:

Fax:

Email:

Address:

2. Pangalan:

Telepono:

Fax:

Email:

Address:

Mga Tala