Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Maghanap Kung Saan Mababa ang Kumpetisyon

Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod.

KWAME: Naku po. Mahigit 200 katao ang nag-apply sa trabahong gusto ko. Malabong magkaroon ng tyansa!

KOFI: Kwame, naaalala mo ba iyong pinangingisdaan natin noong bata ka pa?

KWAME: Oo. Magandang lugar iyon na nakakubli sa mga puno. Hindi mo aakalaing naroon iyon. Pero ngayon, alam na ito ng lahat. Ang dami nang nangingisda, mahirap nang makahuli ng isda.

KOFI: Kaya, sa paghahanap mo ng trabaho bakit doon ka “nangingisda” kung saan maraming “nangingisda”? Bakit hindi ka humanap ng pangingisdaan na walang gaanong kakumpitensya? Palagay ko nakakaligtaan mo ang hidden job market. Mangisda kung saan maraming isda!

Bumalik sa pahina 38

Ang mga Pinakaproduktibong Sources

Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod.

KOFI: Ikinuha kita ng diyaryo.

KWAME: Hindi na ako tumitingin sa diyaryo. Nakalimutan mo na ba? Nangingisda ako kung saan wala akong gaanong kakumpitensya.

KOFI: Magaling, kailangan magpokus ka sa sources na mas malaki ang oportunidad. Pero may magagandang trabaho na inaanunsyo sa diyaryo. Kailangang subukan natin ang bawat opsyon. Basta mag-ukol ka lang ng sapat na oras sa mga sources na mas malaki ang oportunidad mong magkatrabaho.

Bumalik sa pahina 39

Pagbuo ng Iyong Network

Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod.

KWAME: Sinisikap ko na makakuha ng bagong 10 contact araw-araw, pero pahirap nang pahirap ang paghahanap nito.

KOFI: Inoobserbahan kita nitong mga nakaraang araw, at sa tingin ko pinipilit mong gawin lahat ito nang mag-isa. Alam mo, mas magandang resulta ang makukuha mo kung mag-uukol ka rin ng oras sa networking.

KWAME: Networking?

KOFI: Oo, dapat bumubuo ka ng team, isang network ng mga tao na magsasabi sa iyo ng mga oportunidad kapag may alam sila. Kailangang may oras ka ring tumulong sa iba, at baka makatulong din sila sa iyo.

KWAME: Kinakausap ko ang mga kakilala ko, nang higit sa isang beses.

KOFI: Tama iyan. Pero ang network mo ay hindi lamang dapat na mga kakilala mo. Kailangan kabilang dito ang ibang mga tao na kakilala nila. Hilingin sa mga kakilala mo na ipakilala ka sa mga taong kilala nila.

KWAME: Hmmm. Pero ano ang sasabihin ko sa mga taong ito na hindi ko kakilala? Iba kasi kapag ang kausap ko iyong nakakakilala na sa akin. Saan ako magsisimula?

KOFI: Simulan mo sa pagtatanong sa mga kaibigan mo kung may kakilala sila (1) na may alam sa pinili mong career, (2) na may awtoridad na mag-hire, o (3) maraming kakilalang ibang tao. Mas mabilis na lalaki ang network mo. At malamang na makabalita ka ng mga oportunidad sa trabaho sa pagpasa-pasa ng impormasyon sa netwok mo. Tutulungan ka nila na mahanap ang hidden job market.

KWAME: Pero ano ang dapat kong sabihin sa kanila?

KOFI: Hindi gaanong mahalaga iyong sasabihin mo, kundi kung paano mo ito sasabihin. Mas mahalaga kung paano mo ipapakilala ang sarili mo. Praktisin mo ang “me in 30 seconds” at ang power statements mo at tiyak na makakapagbigay ka ng magandang impresyon.

KWAME: Okey, sige. Baka nga magbigay ito sa akin ng bagong mga oportunidad.

Bumalik sa pahina 40

Irekord at I-monitor ang mga Ginagawa Mo

Bago ang susunod na miting natin, gumawa ka ng kahit 30 lang na search contact gamit ang network mo. Dapat sa pamamagitan nito may personal kang makakausap na kahit 10 lang na potential employer.

Ituloy mo pa rin ang paghahanap sa mga advertisement at sa Internet, at bumisita sa isang self-reliance center. Pero tandaan ang mga trabaho ay nasa—hidden job market! Mag-ukol ng mas maraming panahon at pagsisikap sa direktang pakikipag-usap sa mga kumpanya at pakikipag-usap sa mga personal contact mo gamit ang iyong network.

Mairerekord at mamo-monitor mo ang iyong mga pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa chart na ito (may ibinigay na halimbawa). Irekord mo ang mga pakikipag-usap mo sa Contact Follow-Up Form sa kasunod na pahina, o maaari kang gumamit ng hiwalay na notebook.

ADVERTISEMENTS/INTERNET

JOB-PLACEMENT SERVICES NG GOBYERNO O PRIBADONG KUMPANYA

PERSONAL NA PAKIKIPAG-USAP SA MGA KUMPANYA

PERSONAL NA PAKIKIPAG-USAP SA MGA TAONG NAKILALA SA PAMAMAGITAN NG IYONG NETWORK

1. Nag-apply online para sa trabahong bookkeeping

2.

3.

4.

5.

1. Nagpadala ng “thank you” note kay Gloria sa job-service office

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

1. Nag-follow-up visit kay Michael sa Accounting, Inc.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

11.

12.

13.

1. Kinausap ang kaibigan ni Jose sa Toro Corp.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

11.

12.

13.

14.

15.

Contact Follow-Up Form
Contact

Tao o organisasyon:

Telepono:

Address:

Email:

Ni-refer ako ni:

Kinontak ko ang taong ito

  • Oo

  • Hindi

Petsa:

Mga bagay na tinalakay:

1.

2.

3.

Mga ginawang follow-up:

1.

Makukumpleto sa (petsa):

2.

Makukumpleto sa (petsa):

3.

Makukumpleto sa (petsa):

Mga bagong referral:

1. Pangalan:

Telepono:

Fax:

Email:

Address:

2. Pangalan:

Telepono:

Fax:

Email:

Address: