Mga Resources
Magpraktis sa Pagsagot ng mga Karaniwang Tanong
Bago ang susunod na miting natin, praktisin ninyo sa inyong action partner, pamilya, o mga kaibigan ang pagsagot ng mga tanong.
MGA KARANIWANG TANONG |
ANG GUSTONG MALAMAN NG INTERVIEWER TUNGKOL SA IYO |
MGA TULONG SA PAGSAGOT |
---|---|---|
Ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa sarili mo? |
Mahusay ba siyang magsalita? Kwalipikado ba siya? |
“Me in 30 seconds” |
Ano ang mga kahusayan o strengths mo? |
Akma ba ang karanasan niya sa trabaho sa mga kailangan namin? |
Power statement |
Saan ka nahihirapan o saan ka mahina? |
Siya ba ay tapat? May ipinagbuti ba siya? |
Gawing positibo ang negatibo |
Bakit gusto mong magtrabaho sa amin? |
Nag-research ba siya? May mga mithiin ba siya? |
Power statement |
Ilarawan ang iyong huling nagawang malaking pagkakamali. |
Makatwiran ba ang dahilan ng pagkakamali niya? Natuto ba siya rito? |
Gawing positibo ang negatibo |
Ano ang masasabi mo sa dati mong boss? |
May respeto ba siya sa mga namumuno? |
Power statement |
Paano mo hinaharap ang pressure? |
Hindi ba niya ipinapasa sa iba ang mga problema? |
Power statement |
May mga ideya ka ba na hindi tinanggap? |
Masigasig ba siya? Maganda ba ang pananaw niya? |
Gawing positibo ang negatibo |
Ano ang gusto mong mangyari sa career mo? |
Tutulungan ba niya kaming magtagumpay? May pokus ba siya? |
“Me in 30 seconds” |
Ano ang inaasahan mong suweldo? |
Sapat lang ba ang inaasahan niya? |
Sumagot sa pamamagitan ng tanong |
Mayroon ka bang gustong itanong sa akin? |
Nagmamalasakit ba siya? Interesado ba siya? |
Sumagot sa pamamagitan ng tanong |
Paano Ko Ine-negotiate ang Trabaho na Tutugon sa mga Pangangailangan Ko? (Opsyonal na Aktibidad)
-
Basahin:Kapag nagpasiya ang employer na ialok sa atin ang trabaho, maaari nating talakayin ang ating mga kundisyon sa trabaho. Kabilang sa mga kundisyon ang suweldo, kailan at ilang oras tayo magtatrabaho, mga kundisyon ng pagtatrabahuhan, o iba pang mga bagay. Ang mithiin ay sabihin ang totoong saloobin at maging tapat at ang masiyahan ang lahat sa kalalabasan.
-
Talakayin:Anong mahirap sa pakikipag-negotiate? Bakit ka makikipag-negotiate?
-
Basahin:Narito ang limang hakbang na magagamit natin para maging handa sa ganitong pag-uusap:
-
Alamin muna ang mga kailangan natin.
-
Magpasiya kung alin ang pinakamahalaga at kung anong mga kundisyon ang sapat na katanggap-tanggap.
-
Alamin ang maiaalok ng employer at ano ang mahalaga sa kanila.
-
Humiling na mabigyan ng inspirasyon; isipin kung paano tayo parehong “panalo” ng employer.
-
Praktisin ang talakayan sa kapamilya o kaibigan.
-
-
Praktisin:Gamitin ang sumusunod na chart para mapag-isipan ang mga kailangan mo na may kinalaman sa trabaho.
Ang mga halimbawa ay nakasulat sa gray; patungan na lang ng isusulat mo.
-
Lagyan ng numero ang bawat kailangan ayon sa pagkakasunud-sunod ng priyoridad mo. Gamitin ang “1” sa para sa pinakamataas na priyoridad.
-
Magpasiya kung ano ang minimum level ng bawat kailangan.
-
Pag-usapan ninyo ito ng iyong asawa o pamilya. Sabihin sa kanila na ipakita ang kanilang mga priyoridad at sama-samang itakda ang minimum level. Kung hindi sang-ayon ang lahat, sikaping magkasundo.
-
ANG MGA KAILANGAN KO (magdagdag ng iba pa) |
ANG AKING MGA PRIYORIDAD (lagyan mo ng numero ang bawat isa; 1 ang pinakamataas) |
MGA PRIYORIDAD NG PAMILYA (lalagyan nila ng numero ang bawat isa; 1 ang pinakamataas) |
SAPAT NA KATANGGAP-TANGGAP (pinaka-limit sa bawat kailangan) |
MGA PRIYORIDAD NG EMPLOYER (mga nais/kailangan nila ayon sa priyoridad kung alam mo) |
---|---|---|---|---|
Suweldo |
1 |
2 |
3000 buwan |
Pay range 2200-3200 |
Oras ng Trabaho |
5 |
1 |
Walang pasok tuwing Linggo |
May pasok ng Sabado’t Linggo kapag kailangan |
Malinis na Kapaligiran |
6 |
5 |
Walang delikadong kemikal |
Mga kemikal na nagpapabilis ng trabaho |
Mga Kasamahan sa Trabaho |
3 |
6 |
Matapat |
Nasa oras, masipag |
Oportunidad |
2 |
4 |
90-day promotion |
Team worker |
Pangangalaga ng Kalusugan |
4 |
3 |
----- |
-
Talakayin:Ano ang natutuhan mo sa exercise na ito?
-
Praktisin:Isipin ang klase ng employer na gusto mong makatrabaho. Ano ang mga priyoridad nila? Malalaman mo ba kung ano ang pinakamahalaga sa kanila? Ilagay ang mga priyoridad ng employer mo sa chart sa itaas bago ang interbyu mo.
-
Talakayin:Batay sa mga karanasan mo, paano mo maiaakma ang mga kailangan mo sa gusto ng employer?
Tip:
Kung mababa ang offer, subukang tumahimik muna. Maghintay nang 10 segundo bago sumagot. Kadalasan ang taong kausap mo ay magbibigay ng mas magandang offer para mabasag ang katahimikan.
-
Praktisin:Kasama ang kapamilya o kaibigan, isadula ito.
-
Basahin ang sitwasyong ito: Sa kanyang unang interbyu, natutuhan ni Kofi na ang pasuweldo sa ganitong posisyon ay 95 hanggang 105 kada araw. Ngayon, nasa pangalawang interbyu na siya. Ang offer ng employer sa kanya ay 96 kada araw. Kailangan ni Kofi ng kahit 100 man lang kada araw. Puwede rin siyang humingi ng tulong para sa pamasahe at nagdesisyon siya na hindi magtatrabaho nang Linggo.
-
Isa sa inyo ang gaganap na employer at ang isa naman ang gaganap na Kofi. Sisimulan ng employer na i-offer kay Kofi ang trabaho sa suweldong 96 kada araw. Pagtatrabahuhin siya nito nang 2 Linggo sa isang buwan. Dapat subukan ni Kofi na magbigay ng solusyon na parehong makasisiya sa kanila.
-
Magpalitan ng role at gawin itong muli.
-
Talakayin:Paano nangyari ito? Sinagot ba ninyo ang tanong sa pamamagitan ng mga tanong? Naisip ba ninyong i-negotiate ang iba pang mga benefit?
-
Basahin:Ito ang isang maaaring kalabasan ng pakikipag-negotiate ni Kofi. Basahin natin ang table na ito. Sino ang nanalo? Naresolba ba nila ang isyu tungkol sa pagtatrabaho sa Linggo?
ORIHINAL NA OFFER |
MAHALAGA SA KUMPANYA |
MAHALAGA KAY KOFI |
ANG NI-NEGOTIATE NI KOFI |
BAGONG OFFER |
---|---|---|---|---|
Suweldo na 96 kada araw |
Puwedeng magbayad ang kumpanya nang hanggang 98 kada araw sa level ng experience ni Kofi. |
Ang kailangan ni Kofi ay 100 kada araw. 3 sa 100 na iyan ay pamasahe niya papuntang trabaho. |
Hiniling ni Kofi sa kumpanya na suwelduhan siya ng 97 kada araw at bayaran ang pamasahe niya sa bus na 3 kada araw. |
Pumayag ang kumpanya na suwelduhan si Kofi ng 97 kada araw at bayaran ang pamasahe niya sa bus. May kontrata ang kumpanya sa bus company. Magbabayad lang sila ng 1 kada araw para sa pamasahe ni Kofi. |
-
Talakayin:Paano kung hindi kayo nagkasundo? Palalampasin na lang ba ninyo ang oportunidad kung hindi ito umakma sa mga kailangan ninyo?
-
Basahin:Sa pagpapraktis ng iyong negotiation skills, mas makakagawa kayo ng kasunduan na patas para sa lahat ng kabahagi. Anuman ang napagkasunduan ninyo, humingi ng nakasulat na kumpirmasyon na may nakasaad na petsa. Mapoprotektahan niyan ang lahat!
Halimbawa ng Application
Job Application
Pangalan:ApelyidoPullagariUnaAmit
Petsa:Sabado, Disyembre 06, 2013
Address:1234 Any Street, Hyderabad
Telepono:1234567890
Email: Amit1234@emailcompany.com
Katungkulan:Process trainer
Gustong Salary:70000
Petsa na Maaari nang Magtrabaho:Enero 2014
Nakapagtrabaho ka na ba kumpanyang ito?
-
Oo
-
Hindi X
Kung oo, kailan?
Napatunayan ka na bang maysala sa anumang krimen?
-
Oo
-
Hindi X
Kung oo, ipaliwanag:
Edukasyon
High School:Any Public School
Address:1234 Another Street, Hyderabad
Mula sa:2002
Hanggang sa:2007
Naka-graduate ka ba?
-
Oo X
-
Hindi
Diploma:Sertipiko
College:Any Technical College
Address:4321 Any Street, Gangtok
Mula:2011
Hanggang sa:2013
Naka-graduate ka ba?
-
Oo X
-
Hindi
Degree:Sertipiko
Mga Reperensya
Buong Pangalan:Vivek Singh
Kaugnayan:Guro
Telepono:1234567891
Buong Pangalan:Shrati Patel
Kaugnayan:Boss
Telepono:1234567892
Buong Pangalan:Kavita Ram
Kaugnayan:Coworker
Telepono:1234567893
Previous Jobs
Pangalan ng Trabaho:Supervisor
Starting Salary:40000
Ending Salary:45000
Mga Responsibilidad:Supervise line workers
Mula sa:2010
Hanggang sa:2011
Dahilan ng Pag-alis sa Trabaho:Nag-aral muli
Kumpanya:Any Company
Telepono:1234567894
Posisyon sa Trabaho:Job Trainer
Starting Salary:30000
Ending Salary:32000
Mga Responsibilidad:Trainer ng mga trabahador
Mula:2008
Hanggang sa:2010
Dahilan ng Pag-alis sa Trabaho:Bagong trabaho
Kumpanya:Iba pang Kumpanya
Telepono:1234567895
Pinapatunayan ko na ang aking mga sagot ay totoo at kumpleto sa abot ng aking kaalaman.
Kung tatanggapin ako sa trabaho batay sa application na ito, nauunawaan ko na anumang mali o huwad na impormasyong nasa aking application ay magiging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho.
Lagda:Amit Pullagari
Petsa:Sabado, Disyembre 06, 2013
Halimbawa ng Resume
William Owusu Address: 1234 Any Street, Accra, Ghana Tel: 1234567896 E-mail: owusu1234@emailcompany.com |
Personal Data | |
---|---|
Buong Pangalan |
William Owusu |
Kasarian |
Lalaki |
Petsa ng Kapanganakan |
Abril 16, 1980 |
Lugar ng Kapanganakan |
Kumasi, Ghana |
May asawa o wala |
Walang-asawa |
Educational Background | |
---|---|
2007-2011 |
Sertipiko mula sa Any Technical School |
2000 |
Nagtapos sa Any High School |
Mga Karanasan sa Trabaho | |
---|---|
2004-2006 |
Naglingkod bilang full-time missionary |
2007-2011 |
nagtrabaho bilang team leader sa Any Restaurant |
2011– |
nagtrabaho sa Any Limousine bilang booking agent |
Training Courses | |
---|---|
2009 |
Nakatapos ng sreadsheet training course |
2013 |
Nakakumpleto ng customer service training course |
2012 |
Nakakumpleto ng maikling business training course |
Mahusay sa paggamit ng computer | |
---|---|
2003 |
Spreadsheets, database, Internet / e-mail |
Mga Wika | |
---|---|
Ashanti Twi |
Katutubong wika |
English |
Mahusay |
Mga Interes at Libangan | |
---|---|
Pagbabasa ng aklat, paglalaro ng sports, Internet |
Mga Character Reference | |
---|---|
1. Sandra Osei |
Tel: 1234567897 |
2. Eric Katoka |
Tel: 1234567898 |