Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • Bawat miting, pag-uusapan natin kung paano kakayanin ang ating pinakamalalaking hamon. Maaaring magkakaiba ito bawat miting.

  • I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nilang gawin.

  • Ihanda ang mga materyal sa miting.

30 minuto bago magmiting:

  • Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.

  • Isulat ang commitment chart na ito sa pisara.

    Pangalan ng group member

    Tinupad ang bago kong ipinangako tungkol sa trabaho (Oo/Hindi)

    Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

    Nagdagdag sa ipon na pera (Oo/Hindi)

    Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

    Gloria

    Oo

    Oo

    Oo

    Oo

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga tao pagdating nila.

  • Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.

  • Mag-assign ng timekeeper.

Sa pagsisimula:

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone o iba pang device.

  • Magsimula sa panalangin (at himno, kung nais ninyo).

  • Tahimik na sabihin sa mga huling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Gawin ang alituntunin 9 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.