Mga Naunang Edisyon
Magreport


Magreport

circling arrows-orange

Tinupad ko ba ang mga ipinangako kong gawin?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa section na Magreport.

Praktisin:Ireport natin ang mga ipinangako. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga ipinangako. (Pumalakpak.)

Basahin:Ngayon, magsitayo ang lahat. Ulitin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements:

Basahin:Magsiupo tayo.

Talakayin:Nang tinupad ninyo ang inyong mga pangako, anong “magiliw na awa ng Panginoon” ang nagpalakas sa inyo na makayanan ang mga hamon ninyo sa trabaho?