Pag-aralan
Paano ako mas huhusay sa trabaho?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Basahin:Matapos makakuha ng magandang trabaho, kailangan nating mapanatili ang trabahong iyon at mas humusay rito. Kailangang magpakahusay tayo bilang empleyado sa abot ng ating makakaya.
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ako mas huhusay sa trabaho at patuloy na magtatagumpay?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO— (1) Magpapakahusay ako sa trabaho, (2) papatunayan ko sa employer na kapaki-pakinabang ako, at (3) ipaplano ko ang aking career.
-
Panoorin:“Hindi Ko Problema Iyan” (Walang video? Basahin ang pahina 108.)
-
Talakayin:Bakit sinabihan ni Joseph, na boss, sina Gloria at Anthony na lutasin ang sarili nilang mga problema?
-
Panoorin:“Iyan Ay Problema Ko” (Walang video? Basahin ang pahina 109.)
-
Talakayin:Sa pag-ako ng responsibilidad, naging mas kapaki-pakinabang sina Gloria at Anthony sa kanilang employer. Bakit?
-
Basahin:Huhusay tayo sa trabaho kung patuloy nating gagamitin ang lahat ng tools o paraan na napag-aralan natin sa paghahanap ng trabaho:
-
Pagkakaroon ng mga contact at pagbubuo ng ating network.
-
Malinaw na pakikipag-usap sa iba at pagpapakita ng magandang ugali at hitsura.
-
Pagiging masipag at pagpapatunay sa employer na kapaki-pakinabang tayo.
-
Paano ko gagawin ang responsibilidad ko para matulungan ko ang aking employer?
-
Basahin:Pinahahalagahan ng mga employer ang ilang empleyado kaysa sa iba. Ang kapaki-pakinabang na mga empleyado ay nagpapasok ng mas maraming pera o kumikita nang mas malaki para sa kumpanya kaysa sa gastos sa kanya ng kumpanya.
-
Talakayin:Paano nakakatulong ang pagtulong ninyo sa inyong employer?
-
Praktisin:Kunwari ay ikaw si Joseph, ang may-ari ng kumpanya, at isipin kung ano ang gagawin mo sa tatlong empleyado na ito. Sa bawat empleyado mo gagastos ka ng para sa suweldo, kagamitan, at iba pa. At bawat empleyado mo ay magpapasok ng pera mula sa paggawa ng produkto, pagbebenta, o pagseserbisyo sa kustomer.
Ilapit ang silya ninyo para makausap ang katabi ninyo. Magkasamang sagutin ang mga tanong na ito:
-
Sino ang pinaka kapaki-pakinabang na empleyado?
-
Sino ang pinaka di-gaanong kapaki-pakinabang na empleyado?
-
Kung may 2000 na bonus kayong ibibigay sa isang tao, sino ito?
-
Kung walang pagbabago sa pinaka di-gaanong kapaki-pakinabang na empleyado ninyo, tatanggalin ba ninyo ang taong iyon?
-
Kung may isang kumpanya na gustong kunin ang pinakamahusay na empleyado ninyo para magtrabaho sa kanila, tataasan ba ninyo siya ng suweldo para hindi siya mawala sa inyo?
Pag-usapan ninyo ng buong grupo ang mga sagot ninyo.
-
-
Talakayin:Bilang buong grupo, talakayin kung paano kayo higit na magiging kapaki-pakinabang na empleyado.
-
Praktisin:Ilapit ang silya ninyo para makausap ang katabi ninyo. Pag-usapan ang bawat tanong at isulat ang inyong mga ideya.
Para sa inyong kasalukuyang trabaho o sa hinahanap ninyong trabaho, paano ninyo:
-
Magagawang makapagdagdag ng mga bagong kustomer sa inyong negosyo?
-
Mas magagawang maging mas masaya at mas tapat ang mga kasalukuyang kustomer?
-
Hihikayating bumili pa ang mga kasalukuyang kustomer ninyo?
-
Mapapataas ang kalidad at presyo ng produkto?
-
Matutulungang makabayad nang mas mabilis o mas maaga pa ang mga kustomer ninyo?
-
Matutulungan ang kumpanya na madagdagan ang kita sa iba pang paraan?
-
Paano ko matutulungan ang employer ko na mabawasan ng gastos?
-
Basahin:Bilang mga kapaki-pakinabang na mga empleyado, humahanap din tayo ng paraan na mapaliit ang gastos.
-
Talakayin:Paano kayo makakatulong sa pagbawas ng gastos?
-
Basahin:Sa pangalawang video, may magandang ideya si Anthony: gawan ng iskedyul ang maintenance ng makina. Nalaman niya kung paano mabawasan ang gastos ng employer niya. Ipinapakita sa chart na ito ang difference. Sa ideya ni Anthony, makaka-save ang employer niya ng malaking pera—14500 sa loob ng limang taon! Kapag ipinakita ito ni Anthony sa kanyang boss, makikita ng employer na mapapakinabangan talaga si Anthony!
GASTOS KUNG WALANG MAINTENANCE SCHEDULE
GASTOS KUNG MAY MAINTENANCE SCHEDULE
Repair
Replace
Maintenance
Repair
Replace
Taon 1
2000
100
0
0
Taon 2
2000
100
500
0
Taon 3
10000
100
0
0
Taon 4
100
500
0
Taon 5
2000
100
0
0
Kabuuang Gastos
16000
1500
-
Praktisin:Ilapit ang silya ninyo para makausap ang katabi ninyo. Magsalitan. Tingnan kung gaano karaming sagot ang malalaman ninyo!
-
Ilarawan sa isa’t isa ang inyong trabaho o ang trabahong hinahanap ninyo.
-
Sa bawat isa sa mga trabaho ninyo, alamin ang lahat ng ideyang maiisip ninyo tungkol sa kung paano:
-
Makakapag-save ng oras
-
Paghusayin ang proseso
-
Mas maiingatan ang mga makina o produkto
-
Mababawasan ang mga pagkakamali
-
-
Isulat ang magagandang ideya at sikaping isagawa ito sa pinagtatrabahuhan ninyo bago ang susunod na miting natin. Kung wala pa kayong trabaho, isipin ang mga paraan na maaari ninyong ihanda ang sarili upang maisagawa ang mga ideya ninyo kapag natanggap na kayo sa trabaho.
-
Paano ako magiging responsable sa aking trabaho?
-
Basahin:Basahin nang sabay-sabay ang banal na kasulatan sa kanan.
-
Talakayin:Ang inyo bang kasalukuyang trabaho (o ang trabahong hinahanap) ninyo ay tutulungan kayong maging self-reliant? Naniniwala ba kayo na tutulungan kayo ng Panginoon na makapaghanda sa mas magandang trabaho? Paano Niya gagawin iyan?
-
Panoorin:“Siya ay Nagtatayo ng Palasyo” (Walang video? Basahin ang pahina 110.)
-
Talakayin:Ano ang natutuhan ninyo sa video na ito? Ano ang nadama ninyo?
-
Praktisin:Ilapit ang silya ninyo para makausap ang isa pang miyembro ng grupo.
-
Ilarawan sa isa’t isa ang inyong trabaho o ang trabahong hinahanap ninyo.
-
Ilarawan ang trabahong gusto ninyo sa darating na dalawa o apat na taon. Pareho pa rin ba iyon ng dati o iba na?
-
Pag-usapan kung ano ang pakiramdam na may sapat na pera kayo para makapunta sa templo, makapagmisyon, o makatulong sa iba.
-
Isulat kung ano ang napag-usapan ninyo sa mga kahon na ito.
KALAGAYAN MO NGAYON
KALAGAYANG GUSTO MONG MARATING
-
OPSYONAL NA AKTIBIDAD: PAANO MAKAHANAP NG MENTORNA TUTULONG SA AKIN NA MAGTAGUMPAY |
---|
(HUWAG GAWIN ANG AKTIBIDAD NA ITO SA ORAS NG MITING.) |
Kung gusto ninyo maaari ninyong gawin ito bago ang susunod na miting natin: |
Ang mentor ay makakatulong sa inyo na malaman ang mga patakaran at inaasahan sa trabaho na hindi na kailangan pang sabihin sa inyo. Pag-aralan ang pahina 111. |
Anong mga tools o tulong ang kailangan ko para makamit ang mga mithiin ko?
-
Basahin:Ngayon may mga ideya na tayo kung anong kalagayan ang gusto nating marating, paano tayo makakarating doon? Basahin natin ang banal na kasulatan sa kanan.
-
Talakayin:Mabibiyayaan ba kayo ni Cristo nang temporal? Kasama ba riyan ang pagtulong sa inyo na makakuha ng trabaho, manatili sa trabaho, at mas humusay sa trabaho?
-
Basahin:Ang Panginoon ay magbibigay sa atin ng mga karanasan sa ating trabaho upang tulungan tayong magtamo ng mga kasanayan at kaalaman. Inaasahan din Niya na magtatamo tayo ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral at paghahanda. Maraming trabaho ang para lamang sa mga taong may degree o sertipiko. Tinutulungan tayo ng edukasyon na mas humusay sa trabaho at maging mas kapaki-pakinabang sa ating mga employer.
-
Praktisin:Ilista ang mga skill o kasanayan at kaalaman na kailangan mo para magawa ang magiging trabaho mo balang araw. Ilista ang mga paraan na matatamo ang mga ito. Ano ang mga susunod mong hakbang sa iyong landasin? (May ibinigay na halimbawa.)
MGA POSISYON NA GUSTO MO
MGA KASANAYAN AT KAALAMANG KAILANGAN MO
MGA PARAAN PARA MAGKAROON NG KASANAYAN AT KAALAMAN
SUSUNOD NA HAKBANG
Construction Manager
Skills sa Engineering
Skills sa Pagpaplano
Skills sa Paglutas ng Problema
Mga kasanayan o skills sa pakikipag-usap sa iba
Mga klase sa vocational o technical school o engineering degree sa kolehiyo
Sumali sa “Education for Better Work” self-reliance group para sa susunod kong hakbang.