Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
I-text o tawagan ang mga miyembro kung mayroon kang contact information nila. Itanong kung pupunta sila sa miting. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para lumagda sa attendance roll.
-
Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting:
-
Magdala ng kopya ng workbook na ito at ng booklet na My Foundation: Principles, Skills, Habits para sa bawat group member.
-
Magdala ng limang ekstrang kopya ng booklet na My Path to Self-Reliance sakaling hindi nakatanggap ng kopya ang mga group member.
-
Maghanda ng paraan na maipanood ang mga video, kung posible.
-
Walang mga aklat o mga video? Maaari mong makuha ang mga ito online sa srs.lds.org.
-
30 minuto bago magmiting:
-
Iayos ang mga upuan paikot sa isang mesa para magkakalapit ang lahat.
-
Ang facilitator ay hindi nakatayo sa oras ng miting at hindi nakaupo sa kabisera. Ang facilitator ay hindi dapat maging sentro ng atensyon kundi siyang dapat na tumulong sa mga group member na magpokus sa isa’t isa.
-
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga miyembro ng grupo pagdating nila. Alamin ang kanilang mga pangalan.
-
Magpasa ng papel at ipasulat sa mga group member ang kanilang buong pangalan, ward o branch, at petsa ng kapanganakan (araw at buwan, hindi taon). Pagkatapos ng miting ng grupo, magpunta sa srs.lds.org/report at sundin ang mga instruksiyon para mairehistro ang lahat ng group member.
-
Pagkatapos ng unang miting, gumawa ng contact list na ipamimigay sa grupo.
-
-
Mag-assign ng isang timekeeper para hindi lumampas sa oras ang grupo. Ipa-set sa kanya ang timer gaya nang nakasaad sa aklat.
-
Halimbawa, may makikita kayong instruksiyon na nagsasabing “Oras: I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.” Ise-set ng timekeeper ang oras sa isang phone, relo, o iba pang magagamit na timer at sasabihin sa grupo kapag tapos na ang oras. Pagkatapos ay magpapasiya ang grupo kung sisimulan na ang susunod na section o itutuloy ang kanilang talakayan nang ilan pang minuto.
-
Sa pagsisimula:
-
Sabihin: “Welcome sa self-reliance group na ito.”
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone o iba pang device.
-
Sabihin ang mga sumusunod:
-
“Ito ang self-reliance group na tinatawag na ‘My Job Search.’ Narito ba kayong lahat para magkaroon ng trabaho o paghusayin pa ang trabaho ninyo?
-
“Ang pagkakaroon ng trabaho ay bahagi lamang ng ating mithiing maging self-reliant. Pagkatapos nating makahanap ng trabaho, patuloy tayong magpapakahusay. Pupunta ba kayo sa mga miting ng grupo, kahit may trabaho na kayo?
-
“Magmimiting tayo nang 12 beses. Ang miting ay tatagal nang mga dalawang oras. Mag-uukol din tayo ng isa hanggang dalawang oras kada araw sa pagtupad ng ating mga pangako na makakatulong sa atin na makakuha ng trabaho. Maipapangako ba natin ito?”
-
-
Magsimula sa panalangin (at himno, kung gusto).
-
Sabihin ang mga sumusunod:
-
“Tuwing magmimiting tayo, magsisimula tayo sa isang paksa mula sa booklet na tinatawag na My Foundation: Principles, Skills, Habits. Ang booklet na ito ay tutulong sa atin na matutuhan at maipamuhay ang mga principle (alituntunin), skills (kasanayan), at habit (gawi) na hahantong sa pagiging self-reliant sa espirituwal at temporal.”
-
-
I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.
-
Basahin ang pambungad na liham ng Unang Panguluhan sa pahina 2 ng My Foundation. Pagkatapos ay gawin ang alituntunin 1 sa booklet na iyan at balikan ang workbook na ito.