Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
Simula ngayon, ang mga miting ay maiiba na sa unang anim na miting. Mangyaring repasuhin ang mga materyal sa susunod na mga pahina para maging handa ka sa pagsagot sa mga tanong.
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nilang gawin.
-
Ihanda ang mga materyal sa miting.
-
Para sa susunod na miting, magdala ng limang ekstrang kopya ng My Path to Self-Reliance.
30 minuto bago magmiting:
-
Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.
-
Isulat ang commitment chart na ito sa pisara.
Pangalan ng group member
Pinabilis ang paghahanap ko ng trabaho (Oo/Hindi)
Pinagbuti ang trabaho ko (Oo/Hindi)
Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nagdagdag sa ipon na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
Oo
Oo
Oo
Oo
Oo
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao pagdating nila.
-
Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone o iba pang device.
-
Magsimula sa panalangin (at himno, kung nais ninyo).
-
Tahimik na sabihin sa mga huling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.
-
I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.
-
Gawin ang alituntunin 7 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.