Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-green

Paano natin matutulungan ang isa’t isa sa mga hamon sa trabaho?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:Ilan sa atin ay maaaring may mga trabaho na at may ilang naghahanap pa rin ng trabaho, pero lahat ay nakakaranas ng mga hamon sa trabaho. Kabilang sa ilang halimbawa ang:

  • Wala pa rin akong mahanap na trabaho.

  • Parang hindi masaya ang boss ko sa trabaho ko.

  • May trabaho ako, pero maliit lang ang kita.

  • Hindi ko alam ang gagawin sa nangyayaring katiwalian sa trabaho ko.

  • Marami akong kinakausap na mga tao, pero wala ni isang tumatanggap sa akin sa trabaho.

  • Mahirap maging tapat sa employer ko.

  • Hindi ko gusto ang mga kasamahan ko sa trabaho.

  • Hindi ako tumatagal sa trabaho.

Nagiging mas self-reliant tayo kapag pinapayuhan natin ang isa’t isa at hinaharap ang mga hamon.

Praktisin:Isusulat ng bawat miyembro ng grupo ang kanyang pinakamalaking hamon sa pisara. Bilang grupo, pumili ng tatlong hamon sa pisara. Ang gagawin ninyo ngayon ay talakayin at planuhin ang ilang solusyon.

Ang pagrerepaso ng mga nakaraang ginawa, tinalakay, at pinanood sa mga video sa workbook na ito ay makakatulong. Maaaring may kilala rin kayong ibang tao sa labas ng grupo na makakatulong sa hamon. Ang taong ito ay maaaring anyayahan na tumulong sa susunod na miting ng grupo ninyo.