Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nilang gawin.
-
Ihanda ang mga materyal sa miting.
30 minuto bago magmiting:
-
Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.
-
Isulat ang commitment chart na ito sa pisara.
Pangalan ng group member
Kinontak ang kahit 40 katao lang sa network (Isulat ang #)
Nakipag-usap sa kahit 10 lang na potential employer (Isulat ang #)
Ginamit ang mga kasanayan o skills sa interbyu at application (Oo/Hindi)
Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nagdagdag sa ipon na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
52
14
Oo
Oo
Oo
Oo
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao pagdating nila.
-
Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone o iba pang device.
-
Magsimula sa panalangin (at himno, kung nais ninyo).
-
Tahimik na sabihin sa mga huling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.
-
I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.
-
Gawin ang alituntunin 5 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.