Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Ang Interbyu

Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod.

INTERVIEWER: Kung ganoon, ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa sarili mo?

CANDIDATE 1: Ibig mong sabihin kung ano ang gusto kong gawin? Wala naman. Wala naman talaga akong hobby o kinahihiligan. Halos wala akong ginagawa.

CANDIDATE 2: Umm … eh, ako …

CANDIDATE 3: Ah, oo, gusto ko nga iyan. Kitang-kita naman, lagi akong nagwe-weights. Dapat nga papasok rin ako sa anger management classes. Pero sino naman ang gustong pumunta roon? Alam mo na ang ibig kong sabihin, ‘di ba?

CANDIDATE 1: O ibig mong sabihin ay paano akong magtrabaho? Hindi talaga ako nagtatagal sa trabaho kaya wala akong masabi. Madali akong mainip kaya hindi na lang ako pumapasok. … Dapat yata hindi ko sinabi iyan.

CANDIDATE 2: Umm …

CANDIDATE 3: Iyong nagtuturo sa anger management class, … kayang-kaya kong ibalibag. Sino ang magiging boss ko? Ikaw? Hindi naman ikaw iyong tipo na laging tinitingnan kung nagtatrabaho kami, ‘di ba? Na para kaming mga bata? Ganyan ang ginawa ng dating boss ko, at hindi ko gusto iyon.

INTERVIEWER: Bakit dapat ka naming tanggapin sa trabaho?

CANDIDATE 2: Dapat ninyo akong tanggapin sa trabaho kasi … um …

CANDIDATE 1: Kasi, kailangan ko ng trabaho. Akala ko ba nag-usap na kayo ng mommy ko tungkol diyan kahapon. Sabi niya magtrabaho na raw ako. Hindi ka ba niya kinausap?

CANDIDATE 3: Manghihinayang ka kapag hindi mo ako tinanggap. Napansin ko noong papunta ako rito may mga dapat na talagang baguhin dito. Nakakapagtataka na hindi pa kayo nagsasara. Kaya kong ayusing lahat iyan. Oo. Pasasalamatan ninyo ako dahil isinalba ko ang negosyo ninyo.

CANDIDATE 2: Kasi … um …

INTERVIEWER: Ano ang pinakamatindi mong kahinaan?

CANDIDATE 3: Wala akong kahinaan. Ikaw, saan ka mahina? Pambihira, ayoko ng ganyang tanong.

CANDIDATE 2: Kahinaan? Hmm …

CANDIDATE 2: Umm … pagnanakaw. Hindi naman talaga pagnanakaw. Hindi ako nagnanakaw. Mahabang kuwento eh. Saka isasauli ko naman iyon. Akala ko kasi ipapahiram iyon sa akin sandali ng boss ko.

Bumalik sa pahina 24

Paano Ko Gagawing Positibo ang Negatibo? (Opsyonal na Aktibidad)

Talakayin:Paano ninyo sasagutin ang tanong na ito: “Ano ang pinakamatinding kahinaan mo?” Basahin ang sagot ni Gloria.

Basahin:Pansinin na ang ginawa ni Gloria ay:

  • Nagsabi siya ng kahinaan na karaniwang makikita sa maraming tao.

  • Partikular niyang tinukoy kung paano niya dinaig ang kahinaan niya.

  • Nagdagdag ng impormasyon mula sa power statement.

Praktisin:Subukang gawin ito sa kapamilya o kaibigan. Pagtanungin sila sa iyo ng negatibong tanong. Sagutin ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng kahinaan na karaniwan sa maraming tao. Ilarawan kung paano mo dinaig ang kahinaang ito. Magdagdag ng impormasyon mula sa power statement mo.

Mga Tala